Anne naka-apat na gown!
SEEN: Magkakasama na binisita nina Phillip Salvador, Robin Padilla at senator-elect Bong Go ang veteran actor na si Eddie Garcia na naka-confine sa Makati Medical Center noong Linggo nang gabi. Nanggaling ang tatlo mula sa Masbate dahil dinalaw nila ang mga nasunugan ng mga ari-arian. Walang kulay pulitika ang pagbisita ni Senator-elect Bong Go kay Eddie Garcia dahil matalik na kaibigan niya si Ricky, ang stepson ng 90-year old actor na nagtamo ng severe cervical fracture sa taping ng Rosang Agimat.
SEEN: Si incoming Quezon City Mayor Joy Belmonte ang chair ng board of judges ng 56th Bb. Pilipinas. “Not an easy task because I had to preside in the deliberations to break ties and to choose winners for each pageant category. It turns out each international pageant has different rules and criteria,” ang kuwento ni Mayor Joy tungkol sa kanyang unang karanasan bilang judge sa Bb. Pilipinas.
SCENE: Maraming beses na nagpalit ng gown si Anne Curtis, ang host ng coronation night ng 56th Bb. Pilipinas. Sanay na sanay nang mag-host ng mga beauty contest si Anne na papasa rin na beauty pageant candidate.
SEEN: Natalo nang sumali sa Bb. Pilipinas 2018 at first runner up sa Bb. Pilipinas 2019 si Andrea Abesamis. Hindi na-duplicate ni Andrea ang achievement ng kanyang ina, ang 1984 Miss Universe 3rd runner up na si Desiree Verdadero.
SCENE: Second runner up sa Bb. Pilipinas 2018 si Samantha Bernardo na muling sumali sa Bb. Pilipinas 2019.
History repeats itself dahil second runner up uli si Samantha sa Bb. Pilipinas 2019. Twenty six-years-old pa lamang si Samantha kaya puwedeng subukan niya uli ang kanyang kapalaran sa Bb. Pilipinas sa susunod na taon.
- Latest