^

PSN Showbiz

Kathryn at Daniel inaabangan kung malalampasan ang 7-year-itch

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Kathryn at Daniel inaabangan kung malalampasan ang 7-year-itch
KathNiel

Malusutan kaya ng KathNiel ang 7-year-itch ng isang relasyon? Nasa ika-pitong taon na ng kanilang pagsasama ang pangunahing loveteam ng bansa at malabis ang pag-aalala ng fans ng Teen King & Queen na baka hindi na mapigil ang tuluyang paghihiwalay ng dalawa na sinimulan na dahil ipinareha na si Kathryn Bernardo sa Kapusong si Alden Richards.

Hinihintay na lamang ng lahat ang resulta ng bagong tambalan o ang gaga­wing adjustment para naman kay Daniel Padilla para matiyak ang kapalaran ng dalawa.

Sina Julia Barretto at Gerald Anderson ay malamang na magkaroon ng part 2 ng Between Maybes sa kabila ng dismal reception sa kanilang movie. Saan nito dadalhin si Joshua Garcia na mabuti na lamang at dumarami ang endorsement? Ang JaDine nina James Reid at Nadine Lustre ay nauna nang maghiwalay. Ganundin ang McLisse nina McCoy de Leon at Elisse Joson. Wala pa namang balita sa LizQuen nina Enrique Gil at Liza Soberano, pero pati sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte ay isinabak na rin sa iba, ano kaya ang magiging kapalaran ng mga loveteams?

Galit ni Barbie kay JM inaalam pa rin kung saan nagmula

Mukhang hindi na matutuloy ang unang venture ni Ara Mina bilang movie producer kasama ang ex niyang si Patrick Meneses para kina JM de Guzman at Barbie Imperial. Habang patuloy at walang tigil ang pananagasa ni Barbie kay JM dahilan sa naunsyami nilang relasyon na nagsimu­la sa serye nilang Araw Gabi, hanggang ngayon ay walang linaw pa rin sa marami kung ano talaga ang pinag-uugatan ng galit ng aktres. Pero patuloy sa kanyang pananahimik ang aktor, siguro para mas mabilis itong makalimutan ng publiko. Tulad din ng nangyari kina Coco Martin at Julia Montes.

Nagkasama sina Ara Mina, JM at Barbie sa serye kaya alam niya na patok ang tandem ng dalawa, puwedeng magtagumpay sa big screen. Hindi niya inaasahan ang pag-aaway ng dalawa na nakasira sa kanyang plano.

Samantala, speaking of Julia, nagparamdam na rin ito matapos ang diumano’y isyu sa kanya dahilan sa mahabang pagkawala niya sa sirkulas­yon ng showbiz. Ito ay sa pamamagitan ng kanyang social media account na Instagram na kung saan ay ipinagtanggol niya rin ang TV Network na kanyang kinabibilangan mula sa paninira ni Jimmy Bondoc na hindi naman sumikat sa pagkanta kaya naisipang magpa-kontrobersya.

Anuman ang estado ngayon ng aktres, hinihintay pa rin ng marami niyang tagasubaybay ang sagot niya sa kanyang disappearance. Feeling ng fans niya ay may karapatan sila sa paliwanag nito.

Gerald lumipat na ng team

Baka hanapin ng fans niya si Gerald Anderson sa panimula ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) sa koponan ng Marikina Shoemasters, pero hindi na nila makikita ang aktor dito dahil lumipat na ito ng Imus Bandera.

Kung kailan naman siya nagsisimula nang maging asset ng koponang Marikina at saka naman siya nagpasyang magbago ng team niya.

vuukle comment

DANIEL PADILLA

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with