^

PSN Showbiz

Buhay ni Anton umikot kay Regine

Pilipino Star Ngayon
Buhay ni Anton umikot kay Regine

Namahinga muna pala sa pulitika ang komed­yanteng si Teri Aunor. Producer muna siya ng concert ng first original at nag-iisang impersonator ni Regine Velasquez na si Anton Diva - Shine XXII AD : Anton Diva na magaganap sa June 15, Saturday, at the Cuneta Astrodome, Pasay City.

Actually parang mas bagay ang concert sa Arane­ta sa laki ng production ng concert na directed by Peter Flores Serrano with special guests Regine Velasquez- Alcasid and Vice Ganda, with Michael Pangilinan, Raging Divas, Miss Q&A 2019 Mitch Montecarlo Suansane Jewel Jhonson. 

At in all fairness, naka-22 years na rin pala sa showbiz si Anton na napanood last Valentine sa concert nina Regine and Vice.

Sobrang copycat siya ni Regine. Sa first look, sasabihin mong si Regine ang nakikita mo sa stage pag nagkakasama sila.

“Biggest influence in my early years is walang iba kundi si Ms. Regine. Natanggap ako sa trabaho kasi kaboses ko daw si Ms. Regine Velasquez. Yun ang naging dahilan kung bakit ako napasok sa sing along bars which at that time I consider na showbiz na din,” pag-alala si Anton kung paano siya nag-umpisa.

At sa tagal niya sa showbiz, kay Regine lang talaga umikot ang naging career niya dahil umpisa sa umpisa, ang misis na talaga ni Ogie Alcasid ang tinitingala niya.

“Si Ms. Regine lang talaga. Nung nag-start ako makinig, siya yung artist na sinusundan ko na bilhin yung recording, cassette tape. I was a fan since I heard her sing Narito Ako,” pagpa-flashback niya.

Dahil din sa career niya, nagkaroon siya ng chance na maka-travel abroad as in maka-around the world.

Pero ayon kay Anton, ayaw niya sa showbiz ang plastikan. “I can say na hindi ako plastic na tao, pag gusto kita, gusto kita, pag hindi kita gusto, hindi kita gusto. Mararamdaman mo ‘yun. So ako kasi di ko master ang ibang tao, hindi ko alam na pinaplastik na ako. Ako kasi friendly at nami-misinterpret ko yung mga pakita nila sa akin, akala ko kaibigan ko na pero hindi pala. 

“Isa yung kilala ka nila nung mabango ang pangalan mo, kapag marami kang pinagkaka-abalahan. Pero pag di ka masyadong busy, parang di ka pa nila kilala,” sabi niya pa.

Aside from concert, gusto ulit niyang magkaroon ng recording. Gusto rin niyang maka-duet sa isang kanta ang kanyang idolo. Gusto na rin niyang magpaka-active sa social media.

Tickets are now available via Ticketnet online, 911-5555 at various prices.

vuukle comment

ANTON DIVA

REGINE VELASQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with