^

PSN Showbiz

Julia Baretto sa Darna 'auditions': Hindi nila ako sineryoso

James Relativo - Philstar.com
Julia Baretto sa Darna 'auditions': Hindi nila ako sineryoso
"Sabi ko nga, 'Maghuhubad na po ba ako? Kasi ready na po ako eh.' So umiikot-ikot ako doon, gumaganon-ganon. Tinawanan nila ako."
Instagram/juliabarretto Verified

MANILA, Philippines — Game na game makipagbiruan si Kapamilya actress Julia Barretto patungkol sa kagustuhan niyang gumanap bilang "Darna" sa katatapos lang na media moment ng upcoming film niyang "Between Maybes."

Si Julia, sinabing "nauna" na siya sa mga nais mag-audition para sa role.

"May mga nakapila nga eh. Actually inunahan ko na eh. Pumasok na lang ako, sabi ko, 'Minsan lang naman 'to. Bahala na,'" sabi ng 22-anyos na dalaga sa press.

Matatandaang ibinukas ng Star Cinema sa publiko ang auditions para rito, matapos umatras ni Liza Soberano para sa role.

Nakatakdang gawin ang open auditions sa ika-4 hanggang ika-5 ng Mayo.

"Hindi nila ako sineryoso," banggit ng pamangkin nina Claudine at Gretchen Barretto habang nakikipagtawanan.

"Sabi ko nga, 'Maghuhubad na po ba ako? Kasi ready na po ako eh.' So umiikot-ikot ako doon, gumaganon-ganon. Tinawanan nila ako."

Dagdag ng aktres, ni-record naman daw ang kanyang audition. "Baka ayaw [lang talaga] nila."

Maliban kay Liza, nauna na ring umatras sa proyekto ang batikang direktor na si Erik Matti.

Pinalitan naman siya ni Jerrold Tarog, na kilala sa pelikula niyang "Heneral Luna,"  "Goyo: Ang Batang Heneral" at "Sana Dati."

Marami nang inilulutang na maaaring gumanap para sa iconic Filipina superhero, kabilang dito sina Nadine Lustre, Pia Wurtzbach, Catriona Gray, Maja Salvador, Kathryn Bernardo, Maine Mendoza, atbp.

Tumanggi na rin sa muling pagkuha ng role si Angel Locsin.

Taong 2015 nang bumida si Angel sa TV adaptation ng sikat na komiks ni Mars Ravelo sa karibal na Kapuso network.

"Of course masaya ako sa pagmamahal na ibinigay nila. Iba yung nababasa mo 'yun [na gusto nila akong bumalik], na kahit ilang taon mo nang nagawa, natatandaan ka pa rin nila. Ibang klaseng pagmamahal. So maraming salamat po... pero no," sabi ni Locsin sa panayam ng ABS-CBN.

vuukle comment

DARNA

JULIA BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with