^

PSN Showbiz

Arnell at Alex nagsanib-puwersa

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Arnell at Alex nagsanib-puwersa
Arnell

Aligaga sina Arnell Ignacio at Alex Gonzaga para sa Juan Movement partylist na suportado nila sa darating na eleksyon sa Mayo.

Kapwa nga miyembro ang dalawa ng Juan Movement noon pa man dahil sa  advocacies nito na nakatuon sa pagiging tunay na Pilipino at pagmamahal sa bayan.

Mahalaga raw kay Alex ang pamilya at nakita niya ito na pa­ngu­na­hing ipinaglalaban ng nasabing partylist.

Kung bawat Pilipino nga naman ay matutong mahalin ang ating kultura at ibalik ang mga nakaligtaang mga kagawian / kaugalian sa halip na yakapin ang makabagong dayuhang kultura, malaking pagbabago ang magaganap hindi lang sa bayan kundi pati na rin sa ating mga sarili.

Ayon naman kay Arnell, nakita at naramdaman niya na seryoso ang Juan Movement na tiyakin ang pagbabago na walang halong kulay at pulitika. Wala na sa government service ang host-comedian pero inamin niya na namulat ang kanyang mga mata sa napakaraming kakulangan ng mga Pilipino sa pagmamahal sa bayan.

Parehong busy sina Arnell at Alex  sa kanilang mga showbiz career pero hindi sila nawawalan ng panahon na ipaalam ang kahalagahan ng tamang pagpili pagda­ting ng May elections.

So vote wisely talaga mga kababayan.

31 celebrities na nasa drugs watch list ng PDEA, lahat sikat, isa lang ang laos!

Oh my, mga popular and active pa rin pala ang 31 celebrities na nasa listahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na sangkot sa paggamit ng iba’t ibang klase ng droga.

Kaya naman, kanya-kanya na sila ng hula kung sinu-sino ang mga ito.

Nagsalita kasi kahapon sa programang Headstart sa ANC ang chief ng PDEA na si General Aaron Aquino at sinabi nga nitong mga sikat daw ang mga artistang nasa drugs watch list nila. “Lahat ito puro sikat, parang isa lang ang laos na, yung matanda na ‘yun,” sabi nito sa interview ni Christian Esquerra na umupo para sa host ng programa na si Ms. Karen Davila na kasalukuyang nasa Spain para sa event ng DZMM.

Pero ayon kay General Aquino, mas inuuna muna nila ang validation ng mga nasa narco-list (politicians) na mga isang taon pa ang aabutin bago matapos ang validation at pagkatapos lang nito, saka sila makakapag-concentrate sa pagba-validate sa mga artistang sinasabing bahagi ng drugs watch list.

Actually marami na raw silang mga nahuling artista na mga character actor and actress lang pero itong mga sikat, aminado siyang mahihirapan sila.

“It’s a long process pero maba-validate din namin yan,” sabi pa nito sa interview.

At meron daw mga kasamang media sa listahan.

Maging ang pushers daw - ng shabu at ecstasy, identified na nila.

At tulad sa dati niyang sinabi noon, hindi pa rin nakikipag-cooperate ang ibang may-ari ng mga bar / club kaya feeling nila, may cut din ang mga ito sa bentahan ng mga iba’t ibang klase ng drugs.

Binanggit din ni Aquino na ang nasabing 31 celebrities ay listahan lang ng PDEA at wala pa doon ang hawak na mga pangalan ng NBI,  Philippine National Police or the Armed Forces of the Philippines. Baka raw pag pinagsama-sama, aabot sa 100 na pangalan ng celebrities ang mapapasama.

Inulit niyang sa 31 names na hawak nila, tatlo lang ang senior stars at lahat mga young and active celebrities.

 Nabanggit din nitong mas mura diumano ang cocaine sa market dahil ang 1 gram daw nito ay P5,000 lang samantalang ang shabu, aabot sa P6,000 ang isang gramo.

Well, kung palilipasin pa nila ang isang taon, malamang by that time, nakapag-detox or nakapag-rehab na ang mga sinasabi nilang nasa listahan kung feeling guilty ang mga nasabing artista at baka hindi na nila mahabol pa.

Pero ‘di ba parang ang tagal naman pala ng process ng validation nila. Samantalang sa Korea, ‘yung dalawang K pop star na na-involve sa sex scandal and prostitution, natukoy agad. Nakapag-sorry na at arestado ang isa pa.

Dito pala pahirapan pa, sa validation at investigation pa lang taon pa ang palilipasin.

Goodluck PDEA. Sana nga ay masugpo na ang nagpapakalat ng droga sa showbiz na parang normal naman ang mga pangyayari pero marami palang durugista.

vuukle comment

ARNELL IGNACIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with