^

PSN Showbiz

Parang si Erap, wisdom ng matatandang pulitiko hindi pwedeng pantayan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Parang si Erap, wisdom ng matatandang pulitiko hindi pwedeng pantayan
Erap

Ang saya ng chikahan with Papa Erap Estrada nung isang araw Salve. One lunch date na talaga naman na no holds barred ang usapan at meeting between old friends kaya very free wheeling.

Sabi ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte, kung ang edad ang isyu  sa eleksyon, hindi raw puwedeng bayaran ang wisdom at experience ng old guards sa politics.

Of course, totoo na okey ang mga mas bata na kandidato dahil sa kanilang enthusiasm pero ang patience ng mga senior, hindi pa nila nakukuha.

Last term na ni Papa Erap bilang mayor ng Maynila kaya mas mabuti na ipatapos natin sa kanya para maayos niya ang mga hindi pa natatapos na trabaho.

Ibigay na natin kay Papa Erap ang one last term na bale birthday gift na rin sa kanya dahil sa April 19, another year for him. Happy birthday President Mayor Joseph Estrada!

Joy kitang-kita ang passion and dedication

Medyo nostalgic ang guesting sa Take It…Per Minute ni Vice Mayor Joy Belmonte na running for QC mayor sa midterm polls sa May 2019.

Nostalgic dahil para bang isang anak na nakita mo na lumaki ang feeling mo sa kanya. You remember her mom, the well-loved writing icon Betty Go-Belmonte kapag nakikita mo ang magkakapatid na Belmonte.

You remember how nice and kind Ms. Betty as a boss, how her husband Sonny Belmonte is so approachable and very welcoming kapag bumisita ka sa bahay nila sa Quezon City. Your feeling with the Belmonte is family.

You feel so welcome with their kindness, no wonder all their kids, Isaac, Kevin, Miguel and Joy, lumaki na mababait sa tao.

Nandoon kami ni Douglas Quijano nang unang magbalak pumasok sa pulitika ni Congressman Sonny Belmonte.

Kumain kami ng dinner sa bahay nila. Noon pa man, nakita na namin ang will ng mga Belmonte na tumulong sa mga tao kaya hindi kami nagtaka nang pumasok din sa politics si Joy.

Nakita natin ang passion at dedication ni Joy sa trabaho. I admire women in politics dahil they run their business na parang household, bahay nila na dapat maayos.

I admire Abby Binay, Lani Mercado and I know, Joy is also worth admiring. I want to see her as Mayor of Quezon City. Please make her our mayor. Capable and dedicated, she will give us a better Quezon City.

GMA bongga ang suporta

Hindi ko puwedeng makalimutan ang mag-thank you sa GMA lalo na kina Angel Javier-Cruz, Marian Domingo at Jojo Aquio na nagdala pa ng food sa shoot ng Take It...Per Minute! namin ni Cristy Fermin.

Bongga ang GMA 7 dahil sa suporta nila. Nagtaka nga ako nang makita ko sina Marian at Jojo sa shoot. Ang akala ko, naligaw sila.

Natuwa nga si Vice Mayor Joy Belmonte na nagpasalamat sa suporta ng Chanel 7 sa mga project ng Quezon City.

Touching talaga na may time na dumalaw ang staff ni Angel sa atin, nakakatuwa at nakakataba ng puso kapag nakita mo ang ganoong concern.

Thank you talaga, grateful kami ni Cristy sa pagdala n’yo ng pagkain. Parang sina Terrence at Pia Romeo rin sila na nami-miss namin kapag hindi dumadalaw sila Cris at Sal. Ang mga ganoong klase ng concern ang mahirap makalimutan kaya habambuhay namin na tatanawin na utang na loob. Thank you talaga.

vuukle comment

ERAP ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with