^

PSN Showbiz

‘I am back!’

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
�I am back!�
Lolit at Julie

Nasa Osaka, Japan ako nang ma-realize ko ang lawak ng narating ng Instagram ko. May isang babae na lumapit at nakipag-selfie na nagsabi na nakilala lang niya ako sa Instagram.

Binabasa niya everyday ang mga post ko at natutuwa siya. So totoo nga na nakagawa na ako ng connection sa mga bagong friends thru Instagram kaya kung anuman ang naging problema sa technical, hindi ko na papansinin.

Kung minsan, ayaw mag-post, matiyaga na lang si Salve A. Sabi niya 48 hours daw ang parang glitch, bongga, parang action movie siya.

KSP din kasi ako, ayokong maghintay at gusto ko tuluy-tuloy ang momentum ng bawat ginagawa ko, so now, another test to my patience ang Instagram.

Salamat talaga sa followers ko na ayaw akong iwanan, nagugustuhan ang flow of thoughts ko at naiintindihan ang paminsan-minsan na pagiging bratty ko.

A big, big THANKS. Kayo na talaga ang extended family ko. Five long days na na-endure ko ang pagka-miss na makipag-usap at masabi sa inyo mga nasa isip ko.

Ang current thoughts ko sa Alden Richards- Maine Mendoza - Arjo Atayde issue, ang mga naiisip ko na conspiracy theory against Kris Aquino, ang mga babatiin ko ng happy birthday. Hay naku, sana huwag nang mag-inarte ang Instagram account ko. I am back.

Terrence nakahanap ng guardian angel sa misis

 Dyowa ko siguro sa past life ko si Terrence Romeo. Imagine, hindi pa kami nagkikita o nag-uusap pero feeling close na close na ako sa kanya.

Birthday ni Terrence sa March 16 pero nakalimutan ko na itanong kay Pia kung ilang taon na siya pero believe me when I say na ang misis niya ang pinakamagandang gift ni God sa kanya.

Si Pia ang loving wife ni Terrence na isang lost person na natagpuan ang matagal nang hinahanap na magiging guardian angel ng buhay niya. Ganyan ang nangyari sa love story nina Pia at Terrence.

Dalawang tao na pinagtagpo para magkatulong sa pagbuo ng isang magandang buhay, kasama ng mga magiging anak nila.

People chemistry, ‘yan sina Terrence at Pia. Happy birthday Terrence, hindi kita aagawin kay Pia dahil ito ang angel ng buhay mo so ingatan at mahalin mo. I love you both.

Face Off nina Coco at Edu, inaabangan

Inaabangan na ng viewers ng Ang Probinsyano ang tapatan nina Cardo at President Lucas Cabrera.

Hindi na puwedeng pagtagalin ang face off ng dalawa dahil magiging busy na si Edu Manzano, ang nagbigay-buhay at nagpasikat sa karakter ni Lucas sa teleserye ng ABS-CBN na pinagbibidahan ni Coco Martin.

May mga request na huwag patayin si Lucas sa Ang Probinsyano para puwedeng ibalik ang karakter niya pagkatapos ng midterm elections sa May 2019.

Hindi kasi ma-imagine ng viewers na magpapaalam sa Ang Probinsyano ang karakter ni Edu dahil magiging busy na ito sa pangangampanya para sa kanyang congressional bid sa lone district ng San Juan.

Tumatak nang husto kay Edu ang pangalan na Lucas Cabrera dahil bukod sa Lucas, tinatawag din siya na President Cabrera ng  mga kababayan niya sa tuwing nag-iikot siya sa San Juan.

Hindi lang si Edu ang San Juan resident na napapanood sa Ang Probinsyano dahil kababayan niya si Manang Inday aka Susan Roces na naninirahan sa San Juan mula pa noong dekada ’60. Si Manang Inday ang Lola Flora ni Cardo sa Ang Probinsyano.

vuukle comment

ANG PROBINSYANO

TERRENCE ROMEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with