^

PSN Showbiz

Magandang aktres kumakalat ang video na tumutuwad-tuwad habang nagsasayaw!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

May kumakalat ngayon na video ng isang maganda at seksing babae na medyo mahalay ang kuha na kung saan naka-pink na panty lang ito at ilang sandali lang, hinubad na rin niya at sumayaw.

Naririnig ang boses ng isang lalaki na parang nagbibigay ng instruction sa kanya kung ano ang gagawin.

Kitang-kita ang kabuuan ng babae na nagsasayaw, ibinuyangyang niya ang lahat at tumutuwad-tuwad pa ito.

Kamukhang-kamukha ng babaeng ito ang kilalang aktres na asawa ng kilalang male celebrity.

Napabalita noon na nawalan ng cellphone itong si aktres, kaya ang sinasabi ng iba, kuha raw ito sa cellphone na nawala.

Ewan ko kung nakarating na ito sa aktres at sa kampo niya, pero iyun ang sinasabi ng iba na si aktres nga raw ito.

Sinipat ko pa rin nang husto ang natu-rang video, at medyo may duda pa rin ako kahit kamukhang-kamukha ito ng aktres.

Kapansin-pansin kasi ang tattoo nito sa likod na parang iba ang disenyo sa nakikita ko sa mga pictorial nitong aktres. Kaya hindi pa masasabing siya na talaga ito.

Nasilip na rin ito ng ilang taong kilalang-kilala si aktres, hindi raw siya ang nasa video.

Obvious na ginamit lang daw si aktres dahil may pagkahawig, para mas marami ang ma-curious sa sexy video na ito.

Hindi na rin naman siguro papatulan pa ito ng aktres kung sakaling kumalat pa ito.

Pero ewan ko lang kung kakalat pa ito nang husto dahil sa mahirap na baka sumabit sa Anti-Boso Law.

Cristine anak na lang ang tinuturing na pamilya

Sinabi ni Cristine Reyes na ang pelikulang Maria na ipalalabas sa March 27 ang isa sa pinakapaborito niya dahil talagang napasabak siya sa matinding aksyon.

Naikumpara pa nga siya tuloy kay Anne Curtis na bongga rin ang action sa BuyBust. Pero tuwang-tuwa raw ang aktres nang inalok sa kanya ito dahil ngayon lang daw niya ito gagawin. Hindi na siya magpapa-sexy, kundi super action na kung saan dumaan siya sa matinding training sa martial arts.

Lalo siyang na-excite dahil mala-Angelina Jolie ang dating niya sa pelikulang ito. “Eh idol ko talaga si Angelina Jolie, kasi sobrang astig niya eh.

“Hindi ko talaga akalain na gagawa ako ng action. Kasi dito sa atin, lalaki ang gumagawa ng action eh.

“For me, nung sinabi sa akin na mag-aaksyon ka, sige game!”  pahayag ni Cristine sa presscon ng Maria na ginanap sa Playhub sa Quezon City kahapon.

Pasabog din ang statement ni Cristine na wala raw siyang mga sexy scene dito. Hindi naman daw siya kailangang magpa-sexy pa dahil sexy na raw siya. “Saka, hindi naman talaga kailangan magpakita ng skin para maging sexy ka, nasa pagdadala yan ng tao,” sabi pa ng seksing aktres.

Lalo pa nga siyang sumeksi ngayong 30 na siya, dahil mas kumportable raw siya ngayon sa buhay niya. Mas nag-focus siya sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang anak.“Ngayong 30 na ako, iba na ang outlook mo sa buhay. Hindi ka na naghahanap ng kasiyahan sa buhay.

“Ang hinahanap mo na ngayon ay kung ano yung…actually wala eh. For me, dati kasi bata pa ako yung ‘ayoko na magtrabaho, bakit ba ako nagtatrabaho, ganyan,” saad ni Cristine.

Medyo nangangapa kasi ang aktres sa mga sasabihin niya dahil iniiwasan pa rin niyang pag-usapan ang tungkol sa kanila ng asawa niyang si Ali Kathibi.

Nakaharang ang mga taga-Viva kapag leading na sa isyu ang mga tanong sa kanya.

Basta gusto lang iparating ni Cristine na kuntento na raw siya ngayon sa buhay niya, lalo na’t inspired siyang magtrabaho para sa kanyang anak. “Ngayon, 30 na ako, ‘No. I need to work. Wala nang fun for me, kasi gusto ko na umuwi. Gusto ko na makita ‘yung daughter ko.

“Kami lang ni Amarah….family na lang talaga,” makahulugan niyang pahayag sa presscon ng  pelikula niyang Maria.

Kathryn at Alden shooting kasado na sa Hong Kong!

Inaayos na nga ba ang pelikulang gagawin ni Kathryn Bernardo sa Star Cinema?

Ayon sa nasagap namin sa ilang reliable source namin, ini-schedule na raw ang pagpunta ng Kapamilya actress sa Hong Kong para sa kanilang immersion.

May mga eksena raw na kukunan sa naturang bansa, at kung kasama na nga roon si Alden Richards, ito na nga yun!

Basta sabi ng aming source, tuloy na raw ang pagtatambal nina Alden at Kathryn na gagawin ng Star Cinema.

Maganda raw ang project kaya excited kami sa pagsu-solo uli ni Kathryn na wala si Daniel Padilla. Pero mas na-excite ako lalo para kay Alden dahil kakaibang challenge ito sa kanya na hindi si Maine Mendoza ang ka-tandem niya, at isa pang sikat na Kapamilya actress ang makakatambal.

Patuloy nating i-update ang kaabang-abang na project na ito.

vuukle comment

CRISTINE REYES

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with