^

PSN Showbiz

BB. Pilipinas 2019 maraming repeater

SEEN SCENE - Jojo Gabinete - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Para kay Cristine Reyes, ang Maria ang pinakamaganda sa lahat ng mga pelikula na ginawa niya mula nang magsimula ang kanyang showbiz career, labinlimang taon na ang nakalilipas.

SCENE: Saludo ang direktor na si Pedring Lopez dahil sa professionalism na ipinakita ni Cristine Reyes habang ginagawa nila ang Maria. Inabot ng walong buwan ang pre-production at post production ng action movie na ipalalabas sa mga sinehan sa March 27.

SEEN: Ibang KC Montero ang mapapanood sa Maria dahil kontrabidang-kontrabida siya, ibang-iba sa KC na hosting ang forte.

SCENE: Hindi pa puwedeng magpapayat si Xian Lim dahil hindi pa tapos ang shooting niya sa Untrue. May mga eksena pa sila ni Cristine Reyes na kukunan sa Pilipinas.

SEEN: Kung may bashers si Phillip Salvador, mas marami ang saludo at pumupuri sa kanya dahil hindi niya pinatulan ang mga paratang ni Kris Aquino laban sa kanya. Si Phillip ang good example ng kasabihan na “there is dignity in silence.”

SCENE: Magsisimula sa March 25 ang shooting ni Dingdong Dantes para sa kanyang bagong project, isang action suspense thriller movie. Ang Viva Films ang producer ng project na may pamagat na A Hard Day.

SEEN: Hati ang reaksyon ng mga nakapanood sa pagmumura ni JK Labajo sa isang fan na paulit-ulit na isinisigaw ang pangalan ni Darren Espanto habang kumakanta sa isang event ang banda niya. May mga natawa pero mas higit ang nagaspangan sa ugali ng young singer na matunog magmura.

SCENE: Muling sasali sa Bb. Pilipinas 2019 ang mga beauty pageant repeater dahil hindi sila nawawalan ng pag-asa na mangyayari rin sa kanila ang naging kapalaran ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach. Ang aspiring beauty queen na si Sirene Sutton na favorite candidate noong 2017 pero hindi pinalad na magkaroon ng beauty title ang isa sa mga nagpakita ng interes na sumali uli sa Bb. Pilipinas 2019.

vuukle comment

BB. PILIPINAS 2019

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with