^

PSN Showbiz

Xian Lim sineryoso ang pagpapataba

SEEN SCENE - Jojo Gabinete - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Si Coleen Garcia ang bida sa Mia, ang bagong directorial project ni Veronica Velasco, ang direktor ng critically-acclaimed movie na Through Night & Day. Si Coleen ang title role at tinanggap niya ang project bago siya lumipat sa Viva Artists Agency.

SCENE: May special participation si Bea Binene sa Dragon Lady. Siya ang gumanap na young Diana Zubiri sa afternoon prime show ng GMA-7 na may pilot telecast sa Lunes, March 4, 2019.

SEEN: Ang maganda at maayos na kilay ni Arnell Ignacio ang napansin sa presscon ng Juan Movement noong Miyerkules.

SCENE: Ngayong hapon ang farewell episode ng Asawa Mo, Karibal Ko, ang drama series ng GMA 7 na pinagbibidahan nina Rayver Cruz at Kris Bernal.

SEEN: Lalong tumaba at naging haggard-looking si Xian Lim sa shooting ng Untrue sa Georgia dahil sineryoso niya ang karakter na ginampanan sa pelikula nila ni Cristine Reyes.

SCENE: Ngayong gabi ang Playlist: The Best of OPM, ang concert sa Smart Araneta Coliseum ng mga vocalist ng mga sikat na banda, sina Joey Ge-ne­roso, Jinky Vidal, Jay Durias, Meds Marfil at may special participation sina Ice Seguerra at Janine Teño­so. Si Janine ang bunso at pinakabaguhan sa mga singer na kasali sa Playlist: The Best of OPM at nag-revive ng Ulan, ang kanta na pinasikat ng Rivermaya at theme song ng Ulan, ang pelikula nina Nadine Lustre at Carlo Aquino.

SEEN: Ang balita na hindi pa pumipirma si Clint Bondad ng kontrata sa GMA Artist Center kaya hindi kumpirmado ang tsismis na may kinalaman sa pamamahala sa career niya ang talent management agency ng GMA Network Inc.

vuukle comment

COLEEN GARCIA

VERONICA VELASCO

XIAN LIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with