^

PSN Showbiz

Catriona pumasyal kay VP Leni

SEEN SCENE - Jojo Gabinete - Pilipino Star Ngayon
Catriona pumasyal kay VP Leni
VP Leni at Catriona

SEEN: Monthly-get together at hindi pagdiriwang sa na-dismiss na kaso ng pagnanakaw na isinampa ni Kris Aquino laban kay Nicko Falcis ang salu-salo na naganap sa Forbes Park house ni Gretchen Barretto noong Biyernes, February 22, 2019.

SCENE: Nagkakasayahan at nagkakainan si Gretchen Barretto at ang kanyang mga kaibigan nang matanggap nila noong Biyernes ang balita na ibinasura ng Makati Prosecutor’s Office ang qualified theft complaint ni Kris Aquino laban kay Nicko Falcis, ang former managing director ng Kris C. Aquino Productions. Araw ng Linggo nang i-post ni Gretchen sa Instagram account nito ang video ng “thanksgiving celebration” nila para sa dismissed case ni Falcis.

SEEN : Kahapon ang last taping day ng Asawa Ko, Karibal Ko sa Laiya, Batangas. Magwawakas sa darating na Biyernes, March 1, ang afternoon drama series ng GMA-7 na tinatampukan nina Kris Bernal at Rayver Cruz.

SCENE: Ang Dragon Lady, ang drama fantasy television series na pinagbibidahan ni Janine Gutierrez, ang girlfriend ni Rayver Cruz, ang ilalagay ng GMA-7 sa timeslot ng Asawa Ko, Karibal Ko.

SEEN : Ang courtesy call kahapon, February 26, ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang kapwa Bicolana, si Vice President Leni Robredo sa Quezon City Reception House sa New Manila, Quezon City. Nauna na ang courtesy call ni Gray kay President Rodrigo Duterte sa Villamor Airbase noong December 20, 2018.

SCENE : May special participation sa Viva Films movie si Miss International 2016 Kylie Verzosa bilang karibal ni Nadine Lustre sa puso ni Marco Gumabao.

SEEN : Natanggap na ng public school teacher na si Ronalyn Quinio ng San Pablo City, Laguna ang brand new Foton Gratour Van na napanalunan niya sa star-studded na grand gathering ng Gabay Guro na ginanap sa Mall of Asia Arena noong September 2018. Personal na tinanggap ni Quinio ang kanyang premyo mula kina PLDT SVP and Gabay Guro Chairwoman Chaye Cabal-Revilla at Foton AVP for Marketing Noelle Aujero. Ang Gabay-Guro ang brain child ni PLDT Chair Manny V. Pangilinan at advocacy nila ni PLDT SVP Chaye Cabal-Revilla bilang pagbibigay-pugay sa mga guro.

vuukle comment

CATRIONA GRAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with