^

PSN Showbiz

Aktres na hindi superstar ang status, yumaman sa lakas ng appeal sa mga madadatung na may edad

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Ayon sa mga kuwento-kuwento ay hindi na maghihirap pa ang isang female personality na madalas mapanood sa mga serye. Maaga siyang natuto sa buhay. Habang bata-bata pa siya ay natuto na siyang mangalakal.

Huwag isnabin ang female personality dahil napakarami na niyang naipundar ngayon pa lang. Hindi pang-superstar ang kanyang katayuan pero kung susumahin ay mas matindi pa sa ganu’n ang kanyang naiipon.

Kuwento ng aming source, “Naku, secure na secure na ang future niya, sa totoo lang. Hindi man kalakihan ang talent fee niya bilang artista, e, may mas malaki naman siyang pinagkakakitaan!

“Napakasimple lang niya, parang wala lang, dahil hindi naman siya mayabang. Hindi niya ipinagmamalaki ang kung anumang mga properties na meron na siya ngayon, pero mayamang-mayaman na siya!

“Napakaaga niyang natuto sa buhay, iniisip siguro niya na wala namang kasiguruhan ang pag-aartista, kapag may bago nang mga personalidad, e, baka mapag-iwanan na siya, di ba?

“So, ngayon pa lang, e, ginamit na niya ang utak niya, ang presensiya niya, para kumita siya nang malaki nang hindi na siya nagpapagod sa maghapon at nagpupuyat sa shooting at taping,” umpisang kuwento ng aming source.

Pagkatapos ng relasyon nila ng isang milyonaryong businessman ay sinuwerte na naman siyang magkaroon ng bagong azucarera de papa. Grabe rin ang kayamanan ng taong ‘yun na kilalang-kilala sa ating lipunan.

“Simple lang siyang pumorma, pero ang lakas-lakas ng charisma niya sa mga D.O.M.. Maraming nagkakagusto sa kanya, puro pangako ang ibinibigay sa kanya, pero siyempre naman, marunong na siyang pumili!

“Hindi kaya ginu-Google muna niya ang mga lalaking nagkakagusto sa kanya? Hindi kaya inaalam niya munang mabuti kung sino ang pagbibigyan niya?

“Sa probinsiya nila, e, sangdamakmak na ang lupaing nabibili ng family niya. In fairness, hindi niya sinosolo lang ang mga biyayang nahahagip niya, ang pamilya niya ang unang-unang nananagana!

“Kilala n’yo siya, gabi-gabi n’yo siyang napapanood sa isang sikat na serye. Maganda siya, pero hindi panlaban ang katawan niya, pero ‘yung kasimplehan ng kagandahan niya ang nagugustuhan ng mga nagiging papa niya!” pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Daniel at Kathryn naplantsa ang relasyon sa paraiso

Tumawag ang isang source namin na malapit kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Nagbakasyon sila sa Palawan, kailangan nilang gawin ‘yun, para makapag-usap sila nang masinsinan.

Sa ganda ng Amanpulo ay baka naman maiayos na nila ang kung anumang problemang pinag-ugatan ng napabalitang paghihiwalay nila kamakailan lang.

Kung minsan kasi ay nakatutok lang ang panahon ng mga artista sa trabaho, may mga pagkakataong nakakalimutan na nilang kailangan ding gambulan ang kanilang relasyon na tulad ng mga halaman, du’n pumapasok ang pagkainip na sa kanilang relasyon na nauuwi na nga sa hiwalayan.

Ganu’ng-ganu’n ang parang nangyari kina DJ at Kath. Kahit pa madalas naman silang magkasama ay hindi na siguro nila napag-uusapan ang kanilang mga gusto at hindi, ang kanilang mga plano, nagiging rutinaryo na lang ang pagkikita nilang madalas.

Sabi nu’n ng isang kilalang aktres na nakausap namin, “Mas dapat maging sensitive ang babae kapag may boyfriend na siya. Huwag siyang maging kampante. Kung ang mga mag-asawa nga, e, nasisingitan pa, ‘yun pa kayang hindi pa naman sila kasal?”

Matindi ang paniniwala ni Kathryn na hindi siya magagawang saktan ni Daniel dahil sa klase ng pagmamahal na ipinakikita niya. Tanggap din ng kanyang pamilya ang binatang aktor, pinagkakatiwalaan, kaya ano pa ang dapat niyang ikatakot?

Malaking bagahe para kay Kathryn ang madalas ikomento ng marami na kahit ano pa ang ipakita sa kanya ni Daniel ay Padilla pa rin ito. Dehado namang masyado ang binata sa ganu’ng paglalarawan.

Hindi dapat husgahan si Daniel. Totoong mula ito sa angkan ng mga babaero, pero hindi naman si Daniel ang kanyang mga tiyuhin na may ganu’ng imahe.

Sila pa rin ni Kathryn ang magdadala ng kanilang relasyon. Sila pa ring dalawa ang magtatakda kung hanggang kailan sila. Hindi ibang tao.

vuukle comment

DANIEL PADILLA

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with