^

PSN Showbiz

Ayaw na sa showbiz, Neri kinarir na ang pagtitinda ng tuyo

Debbie Castillo - Pilipino Star Ngayon
Ayaw na sa showbiz,  Neri kinarir na  ang pagtitinda ng tuyo
Neri

MANILA, Philippines — Kilala ang inactive actress na si Neri Naig-Miranda sa kanyang pagiging hobby hoarder. Actually, siya ang pini-peg ng mga nanay ngayon dahil sa kanyang pagiging mompreneur.

Bukod sa pinagkakaabalahang gourmet tuyo business, bakery, event’s place, beddings, at kung anu-ano pa, pinasok na rin ni Neri ang pagiging retailer.

Kamakailan lang ay nag-franchise ito ng isang fintech and digital services provider, ang Posible na siya rin ang pinaka-unang endorser.

Pahayag ni Posible CEO JG Puzon, “Bilang isang ina, negosyante at Ka-Posible, kinakatawan ni Neri ang pagbabago na nais naming maihatid sa mga komunidad.”

Dahil sa nasabing digital services provider, naisusulong ni Neri ang kanyang advocacy na matulu­ngan ang mga kapwa ina.

Ramdam ng mompreneur ang mahabang listahan ng gawain ng isang ina - mula sa paghahanda para sa nag-aaral na anak hanggang sa pag-aasikaso sa bahay, lalo na sa mga pagbabayad ng monthly bills. Aniya, may mga pagkakataong nakakaligtaan niya na ang pagpunta sa bayad centers o sa bangko at hindi niya mapagkasya ang oras niya. “From my place, [inaabot ng] 30 minutes bago ka makarating sa mga bayad center.”

Gayunman, nang matuklasan niya ang Posible napadali ang mga gawaing ito. Ani Neri, “Minsan sa sobrang dami ng ginagawa, nakakalimutan mo na, ‘Hala, overdue na.’ At least kung nand’yan lang pala sa tapat mo, sa tindahan mo, kahit overdue, hindi ka na pupunta dun sa main office na malayo pa. Hindi ka na mamamasahe, maglalakad ka na lang.”

Pinadali rin nito sa mga small and medium enterprises ang inventory management, at mayroon pang loyalty and rewards programs para sa mga gumagamit nito.

Ayon kay Puzon, layunin nila na mapalaganap ang financial literacy at maabot ang unbanked population sa bansa. Nais din nilang mapalakas ang mga maliliit na negosyante ngayong mas abot-kamay na ang high-tech na pagpapatakbo sa negosyo.

Samantala, ayon sa aktres ay malabo pa raw siyang bumalik sa showbiz although meron din namang mga offer. Pinagpaplanuhan daw nila ng mister na si Chito Miranda ang pagkakaroon ng baby number two. Super enjoy din daw siya sa kanyang mga business kaya hindi pa niya naiisip bumalik sa pag-arte.

vuukle comment

NERI NAIG-MIRANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with