^

PSN Showbiz

Luis at Jessy ayaw tantanan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Luis at Jessy ayaw tantanan
Luis at Jessy

Hindi ko alam kung bakit ayaw tigilan ng mga tao ang pakikialam sa lovelife nina Luis Manzano at Jessy Mendiola.

Mukha naman na masaya ang dalawa at parang ang sarap magmahal ni Luis dahil very protective siya kay Jessy.

Tahimik naman si Jessy at mukhang in love na in love kay Luis. Dapat huwag i-pressure ang dalawa, huwag silang madaliin sa kanilang mga plano.

Kung kailan nila gusto na magpakasal at alam nila na oras na for them to tie the knot, hintayin na lang natin.

Sayang naman ang relationship nila na ginugulo ng bashers dahil bagay na bagay ang dalawa. Suwerte ang pakakasalan ni Luis dahil very stable na ang kalagayan niya at very responsible siya na tao.

Wait na lang tayo, bigyan natin sila ng space. Basta ako, Lucky Luis talaga, mabait na kapatid at anak kaya sure ako na mabait din siya na asawa at tatay in the future.

Boobay at Tekla nag-swak na ang skeds

Sana maging bongga pa lalo ang The Boobay and Tekla Show kasi parehong talented at work-oriented sina Boobay at Tekla. Remember, nagkasakit noon si Boobay dahil sa sunod-sunod na trabaho niya noon.

Si Tekla naman, maraming natikman na panlalait dahil sa tsismis na unprofessional siya nang nagkanda-sabit-sabit ang kanyang mga tinanggap na trabaho.

Ngayon pareho nang maayos ang schedules ng dalawa, pareho na rin sila na may sinusunod na working habits kaya no more problems.

Malaki ang tsansa na magtagumpay sila dahil fresh ang mga idea ng The Boobay and Tekla Show, nakakaaliw ang batuhan nila ng mga linya at bago ang chemistry nina Boobay at Tekla.

Kapag nagpatuloy ang kabonggahan ng The Boobay and Tekla Show, madaragdagan ang mga show na magbibigay aliw sa mga manonood.

Ang mga show na gaya ng The Boobay and Tekla Show na nagpapatawa sa lahat ang kailangan para ma-forget ang mga problema. Huwag cry cry, hindi healthy.

Rodjun at Rayver nagluluksa sa pagpanaw ng kanilang reyna

Malungkot na malungkot ang magkapatid na Rodjun at Rayver Cruz dahil sa pagpanaw ng kanilang nanay na si Beth Cruz noong February 2, 2019.

Pancreatic cancer ang dahilan ng pagkamatay ni Beth na mahusay rin na singer at dancer tulad ng mga anak niya.

Very close pa naman sina Rodjun at Rayver sa nanay nila. Tatlong magkakapatid ang Cruz brothers (Omar, Rodjun at Rayver) pero sina Rodjun at Rayver lang ang pumasok sa showbiz.

Reyna ang tawag ni Rayver sa kanyang ina dahil ito ang reyna ng tahanan nila. Nang mabiyuda si Beth sa ama nina Rodjun at Rayver na si Rodolfo Ilustre noong 2009, ibinuhos niya ang pag-aalaga sa kanilang tatlong anak.

Marami ang nanghihinayang dahil hindi na masasaksihan ni Beth ang pagpapakasal ni Rodjun sa fiancée nito na si Dianne Medina.

I’m sure, botong-boto naman si Beth kay Janine Gutierrez, ang rumored girlfriend ni Rayver na napakabait.

Nagmula si Beth sa showbiz family dahil member siya ng The Cruz Band at pinsan niya si Tirso Cruz III.

Kapatid ni Beth sina Danny at Ricky Belmonte. Singer din si Danny at anak niya si Sunshine Cruz. Tatay naman si Ricky nina Wowie, Sheryl at Patrick Cruz.

vuukle comment

JESSY MENDIOLA

LUIS MANZANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with