^

PSN Showbiz

MISS U 2013 hindi pang-pinoy ang height

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
MISS U 2013 hindi pang-pinoy ang height
Gabriela

SEEN: Hindi iniwasan ni Gabby Eigenmann ang tanong ng entertainment writers tungkol sa pangalawang beses na pagbubuntis ng kanyang half-sister na si Andi Eigenmann. Sinabi ni Gabby sa presscon ng Inagaw Na Bituin ng GMA-7 na kumpleto ang suporta ng pamilya nila sa kalagayan ngayon ni Andi.

SCENE: Ang Inagaw Na Bituin ang drama with music afternoon television series ng GMA-7 na magsisimula sa February 11, 2019. Reunion ito ng 90’s stars dahil bida rito sina Sunshine Dizon, Angelu de Leon at Angelika Dela Cruz. Muli ring magsasama dito sina Marvin Agustin at Kyline Alcantara. Mag-ama ang dalawa sa Kambal Karibal at sa Inagaw Na Bituin.

SCENE: Ang pasasalamat ni Enchong Dee dahil sa masaya na karanasan niya sa kanyang guesting kahapon sa Boom ng Eat Bulaga. Napanalunan ni Enchong ang jackpot price na P100,000.

SEEN: Kasama ni Enchong sa EB guesting ang kanyang co-stars sa Elise, sina Janine Gutierrez at Jackie Lou Blanco. Bidang-bida si Enchong sa bagong pelikula ng Regal Entertainment Inc. na may playdate sa February 6, 2019.

SCENE: Si Regine Velasquez ang surprise guest sa SiKAT Ako, ang solo major concert ni Katrina Velarde aka Suklay Diva sa New Frontier noong Biyernes, February 2, 2019. Ipinakita ni Katrina na isa ito sa pinakamagaling na singer ng bansa at hindi nagkamali ang Viva Entertainment na ipag-produce  ng solo concert.

SEEN: Mahihirapan na magkaroon ng showbiz career sa Pilipinas si Miss Universe 2013 Gabriela Isler dahil matangkad siya. Hindi madaling hanapan si Gabriela ng leading man na Pinoy sa kanyang height na 5’11.

SCENE: Pagkatapos magbida sa action movie na Tres, action movie uli ang next project ni Bryan Revilla, ang City of Cries na mula sa direksyon ni Richard Somes. Co-stars ni Bryan sa City of Cries sina Paolo Paraiso, Alvin Anson at Alex Medina.

 

vuukle comment

ANDI EIGENMANN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with