^

PSN Showbiz

Pelikula ni Martin malungkot ang kapalaran sa takilya!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Pelikula ni Martin malungkot ang kapalaran sa takilya!
Martin

Hindi gaanong maganda ang resulta sa box-office ng Born Beautiful na nagbukas nung nakaraang Miyerkules.

Ayon sa aming source, umabot lang ng 900 thousand pesos ang first day earnings ng naturang pelikula.

Mabuti at tumaas daw ang kinita nito sa gabi, at mukhang pang night crowd nga ito.

Napanood ko ang pelikula kamakalawa ng gabi, at naririnig kong tawanan lang nang tawanan ang mga manonood, pero hindi naman ako gaanong naaliw.

Napakaganda lang talaga ni Martin del Rosario dito na hindi rin nagpatalo sa ganda ni Paolo Ballesteros na may special par­ticipation sa pelikula.              

Nauuso tuloy ang mga kabadingang kuwento sa mga palabas sa TV. Magkasunod na tungkol sa kabadingan ang kuwentong inilalahad ng Magpakailanman at ang Maalaala Mo Kaya.

Ngayong gabi sa MMK ay tungkol sa kabadingan ang kuwento na pinamagatan nilang Rainbow Love at gagampanan ni Ahron Villena na first time gumanap bilang transgender.

Ginawa na ito ng Magpakailanman ilang Sabado na ang na­karaan, pero ngayong gabi rin sa drama anthology ng GMA 7, may halong kabadingan din ang kuwento na kung saan hinalay ng titser na lalaki ang anak na lalaki ng isang ina na ginampanan ni Gelli de Belen. Pinamagatan nilang Arrest my Son’s Rapist ang naturang episode.

Kaya bentang-benta ngayon ang mga kuwentong kabadingan sa MMK at Magpakailanman, pero sa mga sinehan hindi naman umepek ang Born Beautiful.

Ipalalabas din kasi ito sa series sa Cignal TV.

Alyssa gustong ayusin ang mga magulang

Sobrang na-overwhelm daw si Alyssa Muhlach sa mabilis na pagpasok niya sa showbiz pagkatapos niyang sumali sa Reina Hispanoamericana sa Bolivia. Pina-cut short daw ang bakasyon niya sa New York dahil kailangan na niyang bumalik para sa story conference ng bagong teleserye sa ABS-CBN, ang Kapalaran.

Bukod pa diyan ay kasama rin siya sa Bato the Movie, ang biopic ni Gen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa, na kung saan gagampanan naman niya ang batang asawa ni Gen. Bato.

Kaya mukhang tuluy-tuloy na raw ang pagpasok niya sa showbiz kahit may mga nagkukumbinse pa sa kanyang sumali sa Binibining Pilipinas pagkatapos ng reign niya sa Miss World.

Sabi pa ni Alyssa, suportado raw ng pamilya niya ang kanyang showbiz career. Lumalabas na nga raw ang pagka-stage mom ni Almira Muhlach na nakatutok din sa kanya.

Doon sa presscon ng Bato the Movie ay natanong na rin namin kay Alyssa ang kalagayan ng mga magulang niya. Sa Mommy raw niya siya nakatira kasama ang isang kapatid niya, pero okay naman daw sila ng daddy niya, si Bong Alvarez pero hindi nga raw ito binabati ng mommy niya.

“My parents don’t talk to each other,” pakli ni Alyssa.

Sinasabihan naman daw niya ang mommy niya na sana magkabati na sila para kung sakaling ikakasal daw siya.

“I think I was 16 or 17 years old ako nung nagkahiwalay sila, and then…wala ganun talaga.

“I don’t wanna dwell on it kasi, I think I have to accept the reality of life.”

Doon na rin ay nilinaw na rin sa amin ni Kiko Estrada na kasama rin sa Bato The Movie na tuloy na rin siya finally sa Kapalaran.

Hindi lang niya idinetalye kung paano siya na-release ng GMA 7, pero wala na rin daw siya sa GMA Artists Center.

 “Basically, I’m excited to work with talented people there,” dagdag na pahayag ni Kiko na siyang gu­ma­ganap na batang Gen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa.

vuukle comment

BORN BEAUTIFUL

MARTIN DEL ROSARIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with