^

PSN Showbiz

Female personality na mahilig mambuwisit, kaaway na pati kapamilya

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nabigo ang isang kilalang female personality sa kanyang inaasahan. Bigung-bigo siya dahil ipinagmalaki pala niya sa kanyang mga kaibigan na mahaharap siya sa isang malaking laban.

Tuwang-tuwa naman ang kanyang mga amiga, pare-pareho kasi silang walang pinagkakaabalahan sa buhay, gigising at matutulog sila na walang ginagawa.

Hinihintay na ng kanyang mga kaibigan ang mala­king laban na papasukin niya, pero ang tagal-tagal na ay wala pa rin, bigung-bigo ang female personality dahil hindi siya pinapansin ng binubuwisit niyang pamosong female personality.

Kuwento ng isang source, “Walang ginagawa ang magkakatropang ‘yun kundi ang laruin ang buhay. Palibhasa, wala naman silang pinagkakaabalahang kahit ano, kumakain sila nang walang kahirap-hirap, wala naman kasi silang trabaho!

“Hindi nila pinoproblema ang isasaing nila, shopping lang sila nang shopping, kaya kung anu-ano ang naiisip nilang gawin!” unang sultada ng aming source.

Ilang beses nang napapahiya ang female personality. Hindi na nga siya lumalayo, mismong mga kadugo niya ang kaaway niya, kaya bago pa ba naman ang mga pinaggagagawa niya ngayon?

“Ibang klase ang babaeng ‘yun. Ang buhay para sa kanya, e, kampihan. Kapag alam niyang hindi niya kakampi ang isang tao, talagang binubuwisit niya!

“Bago pa ba naman ‘yang pinapasukan niyang giyera na ‘yan ng salitaan? Di ba, mismong mga kapamilya nga niya, e, hindi na rin siya pinapatulan?

“Para na lang siyang nagsasalita sa hangin, walang pumapansin sa kanya, walang pumapatol sa mga patutsada niya? Mga kapamilya na niya ‘yun, ha?

“Ganu’n kasi siya, nakikipaglaro siya sa buhay, kung ano ang gusto niyang gawin, e, walang makapipigil sa kanya! Bakit, napipigil ba siya ng karelasyon niya sa mga kagagahang pinaggagagawa niya?

“Laro lang sa kanya ang mga ganyan. Ang nakakatakot, e, kapag siya na ang nilaro ng kapalaran. Saan siya dadamputin? Sa kangkungan?

“Sorry na lang sa kanya, matalino ang natapatan niya, hindi siya binigyan nang kahit kaunting panahon. Para siyang syunga! Kuda siya nang kuda sa social media, pero wala namang pumapansin sa kanya!

“Tantanan na niya ang ganyan, magtrabaho na lang kasi siya, para meron na siyang gawin at pagkaabalahan, ‘no! Mag-travel na lang siya nang mag-travel para nalilibang ang utak niyang negang-nega!” pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Iza lamon na lamon ang mga kaeksena!

Nakakatakot kaeksena si Iza Calzado. Darating siyang gutom sa set pero sa pag-uwi niya ay busog na busog ang magaling na aktres dahil nilalamon niya ang kanyang mga kaeksena sa kahit anong tagpo.

Nagagalit, natutuwa, nagpapakumbaba, naghihiganti. Sa kahit aling eksena du’n ay nakakatakot makasama ang kakakasal lang na aktres. Dumidighay siya sa sobrang kabusugan sa ginagawa niyang pag-angkin sa eksena.

Mahalaga ang papel na ginampanan ni Iza Calzado sa katatapos lang na ser­yeng Ngayon At Kailanman. Si Alice Dixson ang pinakamahigpit niyang kaaway sa istorya.

Nagpakitang-gilas din naman si Alice sa maraming eksena pero kapag si Iza na ang kaeksena nito ay nagiging mapusyaw ang kanyang pag-arte. Iba si Iza. Kaibigan niya ang mga camera. Hindi siya bumibitiw.

Sa huling yugto ng serye kung saan dinalaw niya sa kulungan si Alice na nagtangkang magpapatay sa kanya ay talagang inangkin ni Iza Calzado ang mahabang eksena.

Ang galit na galit na tigre ay biglang umamo. Nagpakumbaba at humingi rin ng tawad sa kanyang kaeksenang sising-alipin. Grabe ang eksenang ‘yun.

Sa isang iglap ay makikita ang kanyang sinserong pagluha na hindi pilit, malayang bumabagsak ang luha sa kanyang pisngi na kinakambalan pa niya ng basag na boses sa panghihingi ng tawad, panalung-panalo ang eksenang ‘yun ni Iza Calzado.

Hindi man siya ang bida sa serye ay napakahalagang sangkap ang presensiya ni Iza Calzado sa anumang palabas. Dagdag siya at hindi kabawasan.

Busog na busog siya, uulitin namin, dahil nilalamon niya ang lahat ng kanyang mga kaeksena.

vuukle comment

IZA CALZADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with