^

PSN Showbiz

Maine masaya pag tinatanong tungkol kay Arjo

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Maine masaya pag tinatanong tungkol kay Arjo

Pinutakti ng pamba-bash si Arnold Clavio dahil sa ibinalita niya sa radio tungkol kina Maine Mendoza at Arjo Atayde.

 

Hindi lang sure kung fans nina Alden Richards at Maine ang namba-bash kay Arnold, pero naka-text nga namin ang sikat na broadcaster, nagulat daw siya na marami pa raw pala talagang AlDub fans ang umaasang magkatuluyan sina Alden at Maine.

Pero mukhang masaya na si Maine, at open siya sa kung ano man ang namamagitan sa kanilang dalawa.

Si Arjo ang kasama ni Maine sa ilang block screening ng Jack Em Popoy at mukhang nagsusuportahan silang dalawa.

Pagkatapos nitong Jack Em Popoy, may kasunod agad na pelikula si Arjo kasama sina Joross Gamboa at Ketchup Eusebio, ang Tol na alam ko isinumite ito sa MMFF.

Susuportahan kaya ni Maine itong ‘Tol na pinagbibidahan ni Arjo?

Nung nakausap namin si Maine nung nakaraang parada, napapangiti lang siya kapag si Arjo na ang tinutukoy sa usapan.

Nabanggit nga niya ang tungkol sa album na gagawin niya na siya ang nagsulat ng mga kantang ni-record.

Tinanong namin kung humuhugot din ba siya sa lovelife sa mga ginagawa niyang kanta?

“Puwede rin sa lovelife,” nakangiting sagot ni Maine.

Nakapag-exchange gift na ba sila ni Arjo, pagkatapos mag-exchange gift nila ni Alden sa Christmas party ng Eat Bulaga?

“Wala namang ganun,” pakli ni Maine.

Sapat na ba ang presence lang ni Arjo na lagi niyang kasama?

“Puwede na rin,” sagot niyang todo-smile pa rin.

Kaya tinanong na rin namin si Maine kung malabo na bang magsama sila uli ni Alden sa isang pelikula.

“Tingnan po natin. Hindi naman po imposible ‘yun eh. Sa tamang panahon,” safe niyang sagot sa amin.

Todo pa rin ang suporta ng mga fans kina Alden at Maine, at umaasa pa rin silang may magandang project na pagsasamahan ng dalawa.

Bong gagawa agad ng pelikula pagkatapos ng election

Kumpleto at masaya ang buong pamilya ng da­ting Sen. Bong Revilla na sinalubong ang bagong taon sa Imus, Cavite.

Kahit hindi pa raw siya gaanong nakapag-adjust sa labas ng Camp Crame, masayang-masaya siya dahil kasama ang buong pamilya at mga malalapit na kaibigan.

Nabalik daw ang tradisyonal na ginagawa nila kapag sinasalubong ang bagong taon.

Dumalaw muna sila kay daddy nila, ang dating Senador Ramon Revilla Sr., at bago mag-alas-dose tumuloy sila sa Imus Cathedral para doon salubungin ang bagong taon at doon na rin nagpaputok ang mga tao nila.

“Three weeks na ako sa labas, nasa adjustment period pa rin pero masaya,” pakli ni Sen, Bong.

Kahit si Mayor Lani Mercado ay masayang-masaya dahil four years din daw nilang hindi ginagawa yung sinasalubong sa simbahan ang Bagong Taon dahil sinasamahan nila si Sen. Bong sa Camp Crame. Pero ngayon ay buo na silang ginagawa nila ito.

Sabi ni Sen. Bong magiging abala na siya sa paghahanda sa darating na eleksyon, kaya maisasantabi muna ang showbiz.

Tinanong na rin siya kung itong Pagbabalik ba ni Alyas Pogi ang una niyang gagawing pelikula dahil marami ang nakakita sa teaser nitong ‘anak ng teteng’ na ginawa ni direk Rico Gutierrez.

“Sa 2019 ‘yun. Abangan n’yo na lang after election. Abangan n’yo na lang, Maraming pinaplano, basta!

“Siyempre, na-miss ko yung mga tagahanga ko. Na-miss ko ang pelikula, ang telebisyon,” pakli ng dating senador.

vuukle comment

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with