^

PSN Showbiz

Liza Soberano 'Hall of Famer' na sa world's most beautiful list

James Relativo - Philstar.com
Liza Soberano 'Hall of Famer' na sa world's most beautiful list
Nagsimula ang listahan ni Candler taong 1990.
Twitter/Liza Soberano

MANILA, Philippines — Pasok sa listahan ng London-based film critic na si TC Candler ang tatlong Pilipina sa "100 Most Beautiful Faces of 2018."

Ilan lamang sa kanila ay ang Viva artist at pop star na si Nadine Lustre (#70) at si Kapamilya star Jessy Mendiola (#55). Ito na ang ikalawang beses ng parehong personality sa listahan.

Pero ngayong taon, muling naging pambato ng Pilipinas ang aktres na si Liza Soberano sa listahan at nakuha ang ika-apat na pwesto.

Matatandaang nakuha ni Soberano ang numero unong pwesto taong 2017 sa parehong listahan.

Dahil ito na ang ika-apat na pagkakataong nasali ang 20-anyos sa listahan, sasamahan ni Liza ang mga gaya nina Gal Gadot, Selena Gomez, at Emilia Clarke sa mga may titulong "Hall of Famer."

Nasungkit naman ni Thylane Blondeau ng France ang pinag-aagawang spot bilang may pinakamagandang mukha sa 2018.

Nagsimula ang listahan ni Candler taong 1990 habang ang The Independent Critics naman ang nangangalap ng mga nominasyon mula sa publiko.

vuukle comment

100 MOST BEAUTIFUL FACES OF 2018

JESSY MENDIOLA

LIZA SOBERANO

NADINE LUSTRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with