^

PSN Showbiz

‘Thank you is not enough’

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
�Thank you is not enough�

Lumala ang sipon at ubo ko dala na rin ng pagka-addict ko sa mga regalo.

Grabe, kahit mahilu-hilo na ako go pa rin ako sa Victorino’s para ma-get ang gift ng House of Obagi ni Papa Joey Santos at tumuloy pa ako sa lunch nina Cris Roque at Leo Espinosa, ang bagong anino ni Catriona Gray, para getlak ang gift nila ni Pat P. Daza.

Hindi lang ‘yan, nagdaan pa ako sa GMA 7 para kunin ang regalo sa akin ni Mama Marissa Flores. Kung hindi nga lang malayo ang Star office sa Port Area, pupuntahan ko pa ang regalo sa akin nina Papa Miguel Belmonte at Papa Toby Tiangco.

Hayan, wala na akong boses, sakit na ulo ko, hilo na ako pero basta may narinig na regalo, go nang go. Kaloka ha?

Kaya nga naisip ko, matigas din ulo ko, masama na pakiramdam ko go pa rin. Akala ko nga si Papa Toby, nasa Manila nang sabihin na may ipapadala siya.

Naku nasa General Santos City pala  siya para sa 40th  birthday party ni Senator Manny Pacquiao. Kung nagkataon, fly pa ako sa GenSan.

The reason why I love Christmas not really just because of the gifts, but the people involved with the gifts. Di ba ang sarap ng feeling na people care for you, giving you something they think you will like?

Si Papa Juan Elizalde ng DZRH, may cake for me, personal cake na iba-iba every year. Si Papa Miguel Belmonte ay so busy with business pero naaalala ka every special occasion.

Sobra akong nalulunod sa love nila at talagang thank you is not enough.

To all my beautiful, rich, kind Asian friends you really make my day. Merry Christmas,  I love you all and let us all live longer, together.

Aurora may pa-screening

Magkakaroon ng dalawang special screening ang Aurora ng Viva Films at Aliud Entertainment dahil proud ang mga produ sa finished product ng pelikula na official entry nila sa Metro Manila Film Festival.

Type ng mga produ na mag-imbita ng mga film critic dahil pulido ang pagkakagawa ng direktor na si Yam Laranas sa horror movie na pinagbibidahan ni Anne Curtis.

Magaganap ang special screening ng Aurora bago ito magbukas sa mga sinehan sa December 25.

Co-stars ni Anne sa Aurora sina Marco Gu­ma­bao, Allan Paule, Mercedes Cabral, Andrea del Rosario at ang child actress na si Phoebe Villamor.

Nora ‘di nagpakita sa kasal ni Lotlot

Ikinasal si Lotlot de Leon sa kanyang Lebanese fiancé na si Fadi El Soury sa isang private garden ceremony sa isang events place sa San Juan, Batangas  noong Lunes, December 17 habang nagbubunyi ang mga Pinoy sa panalo ni Catriona Gray bilang Miss Universe 2018.

Ito ang pangalawang beses na ikinasal si Lotlot na matagal nang hiwalay kay Ramon Christopher.

Ang gandang tingnan na kumpleto ang lahat ng mga anak ni Lotlot sa araw ng kasal nito at boto sila sa napangasawa ng kanilang ina.

Dumalo ang mag-asawang Christopher de Leon at Sandy Andolong sa kasal nina Lotlot at Fadi. Si Christopher ang adoptive father ni Lotlot pero tunay na anak ang turing niya sa aktres. Very close din si Lotlot kay Sandy na second mother naman ang trato niya.

May mga naghahanap kay Nora Aunor,ang adoptive mother  ni Lotlot dahil wala siya sa okasyon. Baka may taping si Nora para sa Onanay kaya no-show siya sa pag-iisang dibdib nina Lotlot at Fadi.

vuukle comment

LOLIT SOLIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with