^

PSN Showbiz

Jennylyn at nanay ni Dennis magba-bonding sa Italy

Pilipino Star Ngayon
Jennylyn at nanay ni Dennis magba-bonding sa Italy
Jennylyn

MANILA, Philippines – Lumipad pa-Italy si Jennylyn Mercado kasama si Mrs. Rita Ho, ina ng boyfriend niyang si Dennis Trillo. Nasa IG story ni Jennylyn ang picture ng mom ni Dennis, kaya alam na magkasama sila. Hindi lang malinaw kung may iba pang kasama ang future magbiyenan.

Tinapos lang ni Jennylyn ang storycon ng rom-com series ng GMA 7 na LUV U 2 na pagtatambalan nila ni Gabby Concepcion bago bumiyahe.

Kasama sa ipinakilalang cast ng LUV U 2 si Kiray, ibig sabihin, Kapuso star na siya at tama ang tsika na iiwan na niya ang ABS-CBN.

Samantala, kaya siguro hindi nakasama si Dennis sa bakasyon sa Italy ng mom niya at ni Jennylyn dahil busy siya. Kainitan ng promo ng MMFF entry ng Regal Entertainment na One Great Love kung saan, isa si Dennis sa leading man ni Kim Chiu.

Saka, babalik din naman siguro ang mom niya at si Jennylyn bago mag-Pasko, kaya magiging masaya pa rin ang Pasko ng aktor.

Ricky at Jackielou nagkabalikan bilang mag-asawa?!

Pwede palang magsama at magkatrabaho ang estranged couple na sina Ricky Davao at Jackielou Blanco. Nakita kasi namin ang litrato sa taping ng Inagaw Na Bituin at present sina Ricky at Jackie. Kahit hindi sila magkatabi sa picture taking, the fact is, magkasama sila sa picture at sa trabaho.

Hindi lang malinaw kung isa sa cast ng Inagaw Na Bituin si Ricky o second unit director siya.

Nabanggit ni Sunshine Dizon na mother nila ni Angelika dela Cruz ang role ni Jackie at walang sinabi kung sino ang gaganap na tatay nila. Si Ricky kaya ito?

Ice aminadong naiba ang landas

Aliw ang post ni Ice Seguerra na photo ni 2018 Miss Universe Catriona Gray katabi ang photo nito nang manalong Little Miss Philippines 1999.

Ang caption ni Ice, “nag-Little Miss Philippines din naman ako ah... #ibanglandas.”

Nakakatuwang basahin ang comments na ang iba ay game sinagot ni Ice. Hahaha!

Ang malinaw, lahat ay proud kay Catriona.

Kapuso… panalo

Hindi nagbigay ng figure, pero panalo ang GMA Christmas Special ng GMA Network na umere last Sunday kesa nakatapat nito.

Ang comments ng Kapuso viewers, mas nadama ng viewers ang spirit ng Christmas sa TV special ng Kapuso. (NITZ MIRALLES)

 

vuukle comment

DENNIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with