^

PSN Showbiz

Parade of stars, maagang Christmas gift sa fans

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Ang dami nang nag-aabang sa Parade of Stars ng Metro Manila Film Festival 2018 sa December 23.Inaalam nila ang mga detalye, ang mga lugar na daraanan at ang oras ng parade.

Talagang they make sure na present ang lahat ng mga artista at dapat naman dahil event ito na hinihintay at inaabangan ng lahat.

Tinitiis nila ang matinding sikat ng araw at kung minamalas, ang pagbuhos ng ulan.

Sa parada pa lang, ramdam mo na ang excitement ng crowd at ang mga pelikula na susuportahan at pano­noorin nila.

Parang Christmas gift na rin sa fans ang Parade of Stars dahil ito ang bihirang pagkakataon na nakikita nang personal ang kanilang mga favorite star. Sure ako na kahit sa Parañaque City ang venue ng parade ng mga artista, dudumugin ito ng fans na excited nang makita in the flesh sina Coco Martin, Maine Mendoza at Vic Sotto, ang mga bida ng Jack Em Popoy: The Puliscredibles.

Pinky hindi nasayang ang bangkok trip

Bongga ang BFF ko na si Pinky Tobiano dahil lumipad siya sa Bangkok, Thailand para panoorin ang coronation show na naganap kahapon.

Hindi nabalewala ang Bangkok trip ni Pinky dahil si Catriona Gray ng Pilipinas ang tinanghal na bagong Miss Universe.

Malapit sa stage ang upuan ni Pinky at ng kanyang mga kasama kaya kitang-kita nila ang lahat ng mga nangyayari.

I’m sure, na-sight din ni Pinky ang Pinoy na nagwagayway ng Philippine flag pero baligtad dahil ang kulay pula ang nasa itaas.

Nagkalat ang mga Philippine flag sa loob ng Impact Arena, ang venue ng finale show ng Miss Universe 2018 dahil sa dami ng mga Pinoy na nanood at sumuporta kay Catriona.

May video si Pinky na tuwang-tuwa dahil nag-win nga na Miss Universe ang Philippine bet.

Clint pinakamasaya sa tagumpay ng gf!

Nanood din ng coronation show ng Miss Universe 2018 si Clint Bondad, ang boyfriend ni Catriona pero sa dami at bilis ng mga pangyayari, hindi pa sila nagkakausap nang personal.

Siyempre, happiest man in the world si Clint dahil Miss Universe ang kanyang girlfriend. Kung hindi ako nagkakamali, more than eight years na ang relasyon ng dalawa na unang nagkakilala sa shooting ng television commercial na ginawa nila.

Ang makasama at makausap ang kanyang pamilya at ang team niya ang wish ni Catriona na hindi pa nararamdaman ang tagumpay dahil kulang na kulang pa siya sa tulog.

Catriona lutang ang katalinuhan

Deserving si Catriona na manalo na Miss Universe ang opinyon ng mga miyembro ng media na dumalo sa unang presscon para sa kanya.

Lumutang ang katalinuhan ni Catriona sa mga tanong sa kanya sa presscon na nasagot niya lahat. Hindi mahihirapan si Catriona sa mga guesting niya sa mga sikat na television show sa Amerika dahil very articulate siya at malawak ang kaalaman sa lahat ng mga isyu.

Ikinuwento nga pala ni Catriona sa presscon na red ang kulay ng gown nito sa Miss Universe 2018 dahil noong bagets pa siya, nanaginip ang kanyang ina na nanalo siya sa Miss Universe at kulay pula ang damit niya.

Nagkatotoo ang panaginip ng madir ni Catriona kaya umiyak ito nang magkita sila pagkatapos ng coronation niya bilang Miss Universe. Ipinaa­laala kay Catriona ng kanyang ina ang panaginip nito noong paslit pa siya.

vuukle comment

CHRISTMAS GIFT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with