^

PSN Showbiz

Male personality na malakas kumita, ‘di sinusustentuhan ang anak sa aktres

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Pinanindigan na pala talaga ng isang kilalang male personality ang hindi pagbibigay ng sustento sa anak niya sa isang aktres. Nauwi lang sa puro pangako ang nakaraan nilang engkuwentro pero wala namang tinupad ang male personality.

Malaki ang kinikita ng lalaking personalidad dahil hindi naman siya nawawalan ng trabaho sa network kung saan siya nagseserbisyo. Magaganda ang role na binibigay sa kanya, ‘yung nagtatagal sa kuwento, hindi pinapatay agad.

Kuwento ng aming source, “Nangako siya nu’n na tutuparin na ang obligasyon niya sa bata, pero hanggang laway lang naman pala ‘yun. Hindi rin naman siya tumupad. Naghihintay lang sa wala ang anak niya.

“Nakakahiya siya. Ibang tao pa ang nag-aasikaso sa paglaki ng anak niya. ‘Yun pa ang nagpaparamdam ng malasakit at pagmamahal na siya dapat ang nagbibigay.

“Wala siyang ginawa kundi ang magpasarap, ang makipag­relasyon sa kung sinu-sinong ba­bae d’yan, wala na sa utak niya ang isang bata na umaasang ma­mahalin pa rin ng tatay niya,” buwena-manong kuwento ng aming source.

Hindi niya naman mahamon ng DNA test ang ex niyang aktres dahil alam niya sa kanyang sarili na dugo talaga niya ang bagets. Labas na ‘yun sa usapin. 

Balik-kuwento ng aming impormante, “Kapag dumarating siya sa set ng isang serye, e, todo-porma siya, puro branded ang mga kagamitan niya, kaya palihim siyang pinagkukuwentuhan ng mga nandu’n.

“Ano nga ba namang isakripisyo muna niya ang mga granatsa sa buhay, para makapagbigay siya ng sustento sa anak niya? Nanghihimasok lang naman ang mga miron dahil alam nila na hindi siya sumusuporta sa anak niya.

“Nu’ng maging magkarelasyon pala sila ng isang sikat na female personality, e, walang kaalam-alam ang girl tungkol sa mga nangyayari. Pero nu’ng may nakapagkuwento na sa girl ng ginagawa niyang pagpapabaya sa anak niya, e, kumalas na ang female personality.

“Bakit nga hindi? E, ganu’n din ang ginawa sa girl ng father niya, di ba? Lumaki siyang mommy lang niya ang sumasagot sa lahat ng mga pangangailangan niya.

“Parang nananalamin ang female personality sa sitwasyon ng anak ng aktor, hindi niya gustong may isang anak na namang magdurusa dahil sa iresponsable niyang tatay, kaya nakipaghiwalay ang female personality sa kanyang boyfriend,” malinaw na kuwento ng aming source.

Ubos!

John Lloyd ninanamnam  ang pagiging tatay?!

Naunsiyami ang pag-asa ng mga tagahanga ni John Lloyd Cruz na malapit nang magbalik-showbiz ang kanilang idolo. Lumutang pa nu’n ang kuwento na tumatawag siya sa mga taga-Star Magic pero wala naman palang katotohanan ang lumabas na istoryang gusto na uli niyang umarte.

Nasa estado pa rin ng pagpapahinga si JLC, ninanamnam pa niya ang pagiging ama sa anak nila ni Ellen Adarna, kung kailan niya maiisipang umarte uli dahil nabuburyong na siya sa paghehele sa kanilang baby ay walang nakakaalam.

Kapani-paniwala ang opinyon ng marami na siguro nga’y maayos na napaghandaan ng magaling na aktor ang kanyang kinabukasan. Kung walang sapat na ipon si JLC ay hindi tatagal nang ganito ang hindi niya pagtatrabaho.

Maraming personalidad ang gusto na ring magpahinga at namnamin ang pagiging ordinaryong mamamayan pero hindi ‘yun magawa-gawa dahil sa matinding pangangailangan. Kailangan pa rin nilang magtrabaho para kumita. Hindi pa panahon para sila huminto sa pagharap sa mga camera.

Alangan namang kay Ellen Adarna siya umasa? Maprinsipyo si John Lloyd, hindi niya gugustuhing iasa na lang sa kanyang karelasyon ang kanilang buhay at ang mga pangangailangan ng kanilang anak, hindi si JLC ‘yun.

Sabi nga ay iba ang adiksiyon ng showbiz. Basta nakapasok ka na sa mundong ito ay hindi ka na makaaalis maliban na lang kung maysakit na ang artista at hindi na kayang magtrabaho.

Maingat sa kanyang kinikita si John Lloyd, nakapagpundar na siya ng mga ari-ariang anumang oras kapag gusto niya nang ibenta ay malaking pera pa rin ang katapat, milyunan pa rin.

Siguradong nami-miss na ng magaling na aktor ang pag-arte, pero nagmumuni-muni pa muna siya ngayon, para sa mga artistang ilang dekada nang nagtatrabaho nang walang pahinga halos ay kasabik-sabik ang isang normal na pamumuhay.

Pero siguradong babalik pa rin si John Lloyd Cruz. Tamang panahon na lang ang pinagtatalunan ngayon kung kailan siya uli haharap sa mga camera.

vuukle comment

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with