^

PSN Showbiz

Dennis pinatunayang gamot ang marijuana

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Dennis pinatunayang gamot ang marijuana
Dennis

Nasilip ko nung nakaraang Linggo sa Senatorial Forum na kung saan isa mga tinanong sa mga dumalong senador ay kung agree ba silang i-legalize ang medical marijuana.

Sa mga senatoriable na dumalo sa forum na iyun, nag-yes sina Chel Diokno, Sen. JV Ejercito, dating Sen. Juan Ponce Enrile, at dating Sen. Sergio Osmeña III.

Nag-‘No’ naman sina Cong. Gary Alejano, Sen. Bam Aquino, Gen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa at Presidential Adviser Francis Tolentino.

Wala roon ang Special Assistant to the President Bong Go, kaya tinanong namin siya kahapon para hingan ng sarili niyang pananaw kaugnay sa isyung ito.

Lalo pa kasing napag-usapan nang magbiro si Pres. Rodrigo Duterte tungkol sa paggamit niya ng Marijuana. Biro lang daw talaga iyun sabi ni SAP Bong Go.

Sabi ni Sir Bong Go tungkol sa legalization ng Marijuana bilang gamot;

“Sa ngayon baka hindi pa acceptable sa mga Pilipino kung papano natin i-handle ito, maaring delikado pa kung maging legal ito. Kasi baka dumami pa ang mga illegal.  So, depende po yan sa ating mga awtoridad kung kaya pa nilang kontrolin itong production ng Marijuana.

“Sa ngayon, sa tingin ko hindi pa maku-control kaya baka mapasama pa ang karamihan kung maging legal ito.”

Iba naman ang pananaw ni Dennis Trillo nang tinanong namin ito sa kanya nang nakatsikahan namin sa grand mediacon ng Metro Manila Film Festival entry ng Regal na One Great Love.

Nagpasalamat si Dennis na natanong ito sa kanya dahil isa siya sa mga kilalang celebrities na sumusuportang ma-legalize ang paggamit ng Marijuana bilang gamot.

Ani Dennis; “Buksan n’yo ang isipan n’yo. I-research n’yo lang sa internet. I type n’yo lang sa Google, makikita n’yo ang mga research, hindi magsisinunga­ling ‘yun.

“Gamot siya sa maraming bagay, 1930s pa na talagang ginagamit siya bilang gamot nung araw.

“Hindi ko alam kung ano ang nangyari bakit siya naging illegal, pero ngayon bumabalik na yung katotohanan na gamot talaga. Na-prove ko na yun.”

Sabi nga ni SAP Bong Go, na baka abusuhin lang ito ng ibang mga tao.

Depensa naman ni Dennis; “Lahat na bagay puwede namang abusuhin ‘di ba? Kahit nga cheeseburger puwedeng abusuhin eh. Puwede siyang kainin araw-araw. I think it’s a matter of self-control.

“Kailangan mo lang kontrolin ang sarili mo at alamin mo lang ang tamang dose.

“Dapat talaga marunong mag kontrol ng sarili mo,” pahayag ng Kapuso actor.

Aicelle di pa sure sa Hamilton

Nasa London si Aicelle Santos, pero nakarating pala sa kanya ang ibinalita nating pasok na siya sa Hamilton.

Nataranta ang magaling na singer dahil wala pa naman daw silang kinumpirma dahil wala pa naman daw talagang solid na offer.

Mas mabuting hintayin na lang daw ang announcement mula mismo sa mga bumubuo ng naturang musical play.

Nung nakausap nga namin ang kasintahan niyang si Mark Zambrano nung nakaraang birthday party ng manager niyang si Noel Ferrer, wala rin siyang tinitiyak dahil may mga nag-o-offer daw pero wala pa raw talagang na-finalize kung pasok ba siya o hindi.

Sabi ni Mark; “Wala pa namang solid na offer talaga. Pero may mga option for her. Wala pa naman talagang final offer eh. Maraming interested sa kanya.

“Nung nandun ako, nakita ko ibang mga director, mga casting agents na nagpupunta sa show na napapanood siya. They were asking about her na…what’s after Ms. Saigon.

“Yung napapag-usapan namin dati before she left na maraming good things that will come out of this joining Ms. Saigon, nagbi-bear fruit naman. Thankful kami sa opportunities that were going her way.”

Kung sakaling dumating nga raw itong magandang offer na ito kagaya ng Hamilton, okay lang kay Mark na umalis agad balik ng West End si Aicelle pagkatapos ng kanilang kasal.

Pagkatapos kasi ng Ms. Saigon, babalik agad dito si Aicelle para ayusin na ang wedding plans nilang dalawa na okay lang daw kay Mark na umalis agad si Aicelle pagkatapos ng wedding kung talagang pasok na nga siya.

“Kung ano mang dumating sa kanya blessing yun eh. Bihirang-bihira yung opportunity. Wala akong nakikitang negative apart from yung long distance relationship namin na yun. As I said, yung alam kong yung relationship namin is strong enough,” nakangiting pahayag ni Mark.

Kaya isa pa sa napagkasunduan daw nila ay huwag munang magka-baby dahil hindi naman puwedeng mag-perform si Aicelle sa entablado na buntis.

vuukle comment

DENNIS TRILLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with