^

PSN Showbiz

Jodi at Jolo friends na lang!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Jodi at Jolo  friends na lang!
Jodi at Jolo

Halos walong buwan ding hindi pa nagkasalubong ang dating magkasintahang Jodi Sta. Maria at Vice Governor Jolo Revilla pagkatapos nilang mag-break.

Nung nakaraang linggo lang sila nagkita uli nang magkasabay sila sa Guam para samahan ang kanilang mga anak na naglaro ng basketball doon.

Nasa IG live ni Jolo na magkatabi sila ni Jodi na nagpa-picture at may caption na tipong date-date lang pag may time, joke lang! Nagbantay lang sa mga bata hahaha!

Tinext ko si Jolo at kinumusta namin ang pagkikita nila ni Jodi, biniro ko kung ‘reunited, and it feel so good’ ba?

“Hindi!!! Friends lang.” sagot niya sa akin.

Sana tama ang obserbasyon ko base sa kuha nilang dalawa na mukha naman silang masaya at parehong nakapag-move on na.

Martin pabor sa rotation sa ASAP

Kahapon lang nag-apir si Martin Nievera sa bagong reformat na ASAP Natin ‘To.

Wala siya sa first two episodes dahil may concert tour siya sa Europe kasama si Ahwel Paz.

Nilinaw niyang basta nasa Pilipinas lang siya, kasama talaga siya sa ASAP.

“Alam mo naman yung mga schedule natin. Lahat ng mga artist, ganundin. They go away. They go on tour. They come back. So, ASAP really has a hard time fixing all our schedules para ma-match,” pakli ni Martin nang nakatsikahan namin nung kamakalawa ng gabi sa birthday party ni Noel Ferrer at kasabay nang pag-open ng Christmas exhibit sa Avellana Art Gallery sa FB Harrison, Pasay City.

Agree rin siya sa gusto ng ibang artists ng ASAP gaya nina Yeng Constantino at KZ Tandingan na mas mabuting on rotation na sila para hindi magka-conflict sa schedule ng ilang natanguang commitments.

“Iyun ang number 1 problem ng ASAP, ng any show on any channel, that has so many artists.

“Magbabanggaan talaga lahat ng mga schedule ng mga artist.

“So, this way, puwedeng mag-rotate lahat, and hindi magsa-suffer yung show ng ASAP,” pakli ni Martin.

Para sa kanya, dream team din yung Regine Velasquez at Sarah Geronimo na frontliner sa bagong format ng naturang programa.

“That’s a dream team talaga.

“And now we’re showing you, na anything is possible on ASAP. So, they made what we once thought was impossible, they made it possible by joining Regine and Sarah,” saad ni Martin.

Naniniwala siyang nakabubuti sa programa ang mga pagbabagong ito.

“All I can say is, change is good. Change is good.

“Personally, for me, the show didn’t need any kind of improvement. But who am I to say? I’m one of the artists. I’m inside looking out. Iyung mga outside looking in, ang mga sinasabi nila, kailangan mga bagong portion. Tapos, may bago ring kasama sa show, sina Regine di ba? So, we have to somehow improve the show,” pahayag ng concert king Martin Nievera.

Dennis at Dingdong ‘di kailangan ang kapulisan

Successful ang Kapuso mall show ng main cast ng Cain at Abel sa Cagayan de Oro nung nakaraang Biyernes, November 30.

Pinangunahan ng dalawang bidang sina Dingdong Dantes at Dennis Trillo ang naturang mall show kasama ang leading lady nilang sina Solenn Heussaff at Sanya Lopez.

Nakakatuwa pa dahil dumayo pa roon ang fans nila mula sa ibang lalawigan gaya ng Iligan, Butuan at Cotabato.

Pumunta rin sila sa Brgy. Luyong Bondon, Opol para sa Kapuso Barangayan na dinagsa rin ng fans.

Marami na ang nahu-hook sa kuwento ng Cain at Abel at nadinig ko minsan sa radio program ng isang FM station na pinag-uusapan nila ang karakter na ginagampanan nina Dingdong at Dennis.

Sabi nga ng host, hindi na raw kailangang gamitin ang mga kapulisan para magka-publicity ang naturang drama series.

vuukle comment

JODI STA. MARIA

JOLO REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with