^

PSN Showbiz

James dinedma ang hiwalayan kay Michela

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
James dinedma ang hiwalayan kay Michela
James

Nakakapagtaka bakit matagal nang may kumakalat na isyung nagkakalabuan na sina James Yap at Michela Cazzola?

Bago pa naintriga ng netizens ang magkakahiwalay na post ng mag-partner, may naririnig na kaming nagkakaproblema talaga sila.

Isang kaibigang broadcaster ngang nagsabi sa akin na may naririnig din daw siyang kuwento ng dalawa, kaya pinapaimbestigahan niya ito sa akin.

Hindi naman sumasagot si James sa text namin sa kanya, pero sabi naman ng ilang taong malapit sa kanya, parang wala naman daw. Lalong lumakas ang intriga nang nagpu-post si Michela lately na hindi kasama si James.

Pero tinuldukan na nila ang intrigang ito nang pareho silang nag-post na magkasama na sila nang sinilebrayt nila ang 5th month ng bunsong anak nilang si Francesca.

Kamakalawa lang ay magkasama rin sila sa huling post ni James sa first hair cut daw ng panganay na anak nilang si MJ. Mukhang okay naman sila, at siguro wala namang problema.

Nag-agree nga si Michela sa comment ng isang follower niya na hindi naman sa social media nakasalalay ang isang relasyon. Kaya huwag daw ibase ang lahat sa mga ipinu-post sa social media.

Gabbi chill lang ang relasyon kay Khalil

Sabi ni Khalil Ramos, exclusively da­ting daw sila ni Gabbi Garcia.

Halos isang taon na ang ganung status, kaya naikonek namin sa sinabi ni Gabbi na minsan ay lumalabas daw sila ni Jasmine Curtis-Smith kasama ang boyfriend nitong si Jeff Ortega.

Kaya nung sinundan namin ng tanong si Gabbi kung double date nga ba sila dahil kasama rin niya si Khalil? Natatawa siyang sumagot ng “basta!”

“Basta steady lang. No rush. Masaya lang,” pakli ni Gabbi nang nakatsikahan namin sa set ng Pamilya Roces.

Okay daw sila ngayon dahil wala ngang pressure sa kanila dahil nasa GMA 7 siya, at nasa kabila naman si Khalil.

“No pressure, kasi alam kong no matter happened, nandiyan lang. Chill lang.

“Saka parehas kami sa industriya pero magkaiba kami ng mundo. So, wala talagang pakialamanan sa trabaho.

“Feeling ko that’s why mas marami akong blessings ngayon kasi mas nakaka-focus po ako,” dagdag niyang pahayag.

Hindi ba niya nami-miss si Ruru Madrid na dating ka-loveteam niya? Okay pa ba sila?

“Ang nami-miss ko sa kanya, yung hindi ka na mangangapa. Kasi eversince siya na yung katrabaho ko, So, gamay na namin yung isa’t isa.

“Hindi na kailangan mag-adjust adjust because I know his ways, he knows my ways,” saad ni Gabbi.

Tingin naman niya, happy na si Ruru sa kung sino man ang makatrabaho niya ngayon at ganundin naman daw siya.

Okay naman sila, nagkakabati kapag nagkakasalubong silang dalawa.

“Casual po kami. Hindi na kami nagkikita, yung regular na nagkausap. Pero may number pa rin kami. Pero busy na rin ako, busy na rin siya,

“Madami akong iniintindi, madami rin siyang iniintindi. Okay naman kami,” nakangiting pahayag ni Gabbi na lalo pang gumaganda ngayon.

Tinanong nga namin siya kung nasa plano rin ba niyang sumali sa isang beauty contest.  Dream din ba niyang maging beauty queen?

“Madami nagtatanong. Gusto ko rin, pero wini-weigh ko pa mga bagay-bagay,” sagot ni Gabbi.

KathNiel fans ‘di matanggap si Tommy?!

Umalis nung isang araw sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla patungong Amerika.

Dadalo si Kathryn sa premiere screening ng Three Words to Forever na gaganapin sa Los Angeles, California ng December 1.

Pagkatapos nun ay bakasyon na sila na kung saan kasama rin ang Mommy Tin ni Kathryn.

Inaasahang maganda na at lalong hahataw ang naturang pelikula dahil suweldo na at ilang araw na walang pasok.

Pero may ilang KathNiel fans na hindi raw ganun kakumportable na pinapanood si Kathryn na hindi si Daniel ang ka-partner. Kaya ba kulang pa sa suporta?

Sabi naman ng ilang solid na KathNiel fans, buo ang suporta nila at marami pa silang naka-schedule na block screening.

Kahit hindi nila gaanong type na si Tommy Esguerra ang ka-partner ni Kathryn, sinusuportahan pa rin daw nila ito.

vuukle comment

JAMES YAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with