^

PSN Showbiz

Lyn ibang tatag ang pinakita sa pagkamatay ng anak

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Lyn ibang tatag ang pinakita sa pagkamatay ng anak
Ali Sotto

Sa nangyari sa pamilya nila Tirso at Lyn Cruz, bigla remember ko si Ali Sotto a few years ago nang mawala ang anak niyang si Mico Sotto.

Isang madaling araw, isang freak accident kaya nang tawagan ni Arnold Clavio si Ali para ibalita, si papa Omar na asawa ni Ali ang unang kinausap ni Arnold.

Masakit sa isang ina na malaman na iniwan siya ng kanyang anak.

Sa burol ni Mico, makikita mong parang wilted flower si Ali na isang napaka-masayang tao, bungisngis, madaling tumawa pero hayun at talagang pinapatay ng lungkot.

Masakit sa mga magulang ang mawalan ng anak pero kahanga-hanga ang pagtanggap ni Lyn ngayon sa pagkawala ni TJ.

Sa gitna ng pagdadalamhati ng kanilang pamilya, pinasalamatan ni Lyn ang Diyos para sa panahon na pinagsamahan nila ni TJ.

Malaki ang pananampalataya ni Lyn at ng pamilya nito sa Panginoon kaya kahit napakasakit, tinanggap nila ang kalooban ng Diyos.

Isang araw matapos bawian ng buhay ang panganay na anak nila ni Tirso Cruz III, ibinahagi ni Lyn sa lahat ang kanyang mensahe para kay TJ at ang pasasalamat niya kay God.

“I remember you telling me, ‘di ako nahihiya Ma na tawaging Mama’s Boy, I am proud to be a Mama’s Boy!’ Oh my dearest TJ, I am proud of you my dearest son! My first born son! You have a very good heart! A strong man! A warrior!

“The Lord blessed me with you! Pinahiram ka ni Lord sa akin for 37 years, and I thank God for that. I am blessed! You are now dancing in heaven for the Lord!

“You fought a good fight anak! I will miss you so much! I will miss our talks, yung tawanan natin, yung paghati natin sa food, yung pagdaan mo sa room namin ni Papa mo before you leave the house and pag-uwi mo, yung kumakanta tayong dalawa while you were in the hospital praising and worshiping God, our morning and evening prayer time...so many things na nami-miss ko about you...so many beautiful memories and I will cherish them for the rest of my life!

“You will always be in my heart! I love you my son! Mama loves you Mama’s Boy! I love you TJ!” ang mensahe ni Lyn na puno ng pagmamahal at pasasalamat.

 So sad. You refuse to get mad pero you feel the pain. You honor their sadness, but hard to comprehend.

But God knows. Alam niya lahat ng mabuti para sa ating lahat, alam niya the answer to all our Why? So be it, tanggapin natin, buksan ating puso sa pang-unawa.

We suffer but only HE can heal us. Basta dasal lang, manalig, faith is to believed in what we don’t see, and the reward is to see what we believe. Amen.

Djanin sobrang apektado sa pagkawala ni Teejay

“I love you, Kuya” ang maiksi pero punumpuno ng pagmamahal na mensahe ni Djanin Cruz para sa kanyang Kuya TJ.

Si Djanin ang bunso at nag-iisang babae sa tatlong anak nina Tirso at Lyn kaya mahal na mahal siya ng kanyang mga magulang at kapatid.

Mga kabarkada ni TJ ang mga anak nina Lorna Tolentino at Rudy Fernandez na sina Ralph at Renz, ang anak nina Laurice Guillen at Johnny Delgado na sina Ana at Ina Feleo, ang mga anak nina Sandy Andolong at Christopher de Leon at ang mga anak nina Edgar Mortiz at Millet Santos.

“Legend Kids” ang tawag sa barkada nila dahil The Legends ang pangalan ng grupo ng kanilang mga magulang.

Affected ang Legend Kids sa paglisan ni TJ at isa si Ana sa mga nagbigay ng tribute para sa kanyang kaibigan na binawian ng buhay sa young age na 37.

vuukle comment

ALI SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with