^

PSN Showbiz

Aktor na nasa itaas, tinatrabaho na pabagsakin

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Ganu’n naman talaga. Kung sino ang nasa itaas ay ‘yun ang pilit na ibinabagsak. Ang punong hitik ng bunga, sabi nga, ay madalas na binabato.

?Hinahanap ngayon ng isang produksiyon kung sino ang naninira at naglalabas ng mga mapanirang kuwento tungkol sa male personality na bumibida sa isang matagumpay na serye.

?Napansin ng produksiyon na sabay-sabay na naglalabasan ang mga negatibong kuwento tungkol sa male personality, kaya ang ibig sabihin, sa loob mismo nanggagaling ang mga kuwentong naglulutangan ngayon.

?Kuwento ng aming source, “Halatado kasing isang kampo lang ang pinanggagalingan ng mga kuwentong naglalagay sa hindi kagandahang image nu’ng bida sa serye. Wala naman kasing ganito nu’n, e.

?“Pero ngayon, marami nang naglalabasang kuwento. Kesyo naghahari-harian daw ‘yung bida sa serye, kesyo kapag ayaw niya ang mga eksena, e, bigla na lang siyang nagwo-walkout.

?“Kesyo napapanghal daw sa paghihintay sa kanya ang maraming personalities na kaeksena niya, kasi nga, kung kailan lang gustong bumalik sa set nu’ng bida, e, saka pa lang umuusad ang taping nila.

?“Kung minsan daw, para lang meron na silang makunang eksena, e, itinutuloy ‘yun nang wala ang importanteng personality sa istorya. Pero ang ikinaiinis ng mga katrabaho niya, kapag dumarating na uli siya sa set, e, inuulit daw ang mga eksenang nakunan na,” unang kuwento ng aming source.

?Ang lahat ng mga mapanirang kuwentong naglalabasan ngayon ay tumutukoy sa mga nagaganap sa set ng sikat at matagumpay na serye, kaya ang duda ng mga taga-produksiyon, may nangtatraydor sa kanila.

?“Halatadong tagaroon ang nagpapakalat ng kuwento, mga eksena kasi ang iniikutan ng mga istorya, kaya walang dudang kasamahan nila mismo ang naglalabas ng mga ganu’ng kuwento para siraan ang bida at ang serye mismo!

?“Bakit kasi ngayon lang? Bakit hindi pa nu’n? Bakit ngayon lang lumulutang ang mga ganyang kuwento kung matagal na talagang nangyayari ang ganu’n?

?“Pati ang pagpa-power play daw nu’ng bida, e, pinagpipistahan din. Puring-puri nga siya ng mga kasamahan niyang ginigising niya ang career, di ba?

?“Maraming nagpapasalamat sa kanya, tapos, may mga negang istoryang inilalabas ngayon ang iba? Pinagkakaisahan yata ang bida, mukhang tinatrabaho siya ng kung sinumang naglalabas ng mga kuwentong hindi kagandahan tungkol sa kanya!” napapailing na kuwento ng aming source.

?Ubos!

After 3 years, Mga pulis biglang pumalag sa ginagawa ni Coco

Tuwing bago magsimula ang seryeng Ang Pro­binsyano ay may ipinalalabas munang disclaimer ang network. Nakasaad du’n na ang ikot ng istorya ng serye ay walang pinaggayahan, at kung sakali mang may kahawig sa tunay na buhay, ‘yun ay hindi sinasadya at nagkataon lang na magkapareho.

?Sentro ng serye ang mga tiwaling miyembro ng kapulisan. Ipinakikita du’n ang mga ginagawa nilang pagpapairal ng maling kapangyarihan na maraming kababayan natin ang naaapektuhan-nasasaktan-nabibiktima.

?Hindi ‘yun nagustuhan ng tagapamuno ng PNP, hindi raw nakagaganda sa kanilang imahe ang mga eksenang ipinalalabas sa Ang Probinsyano tungkol sa mga pulis na tiwali. Hindi na nga raw maganda ang kanilang imahe ngayon ay nadadagdagan pa nang dahil sa mga kuwentong ipinalalabas ng serye.

?Mukhang hindi nanonood ng Ang Probinsyano ang pinuno ng PNP, hindi nito nasusubaybayan ang serye, dahil meron ding mga karakter ng pulis na kapuri-puri  sa daloy ng istorya.

?Hindi naman lahat ng mga kapulisan ay ipinipinta nang negatibo sa palabas, may mga miyembro ring parehas lumaban, binibigyan din ng tutok ng pinagbibidahang serye ni Coco Martin ang matitinong pulis.

?Saka teka lang naman muna. Hindi ba nangyayari sa totoong buhay ang mga eksenang napapanood natin sa Ang Probinsyano? Hindi ba’t sa araw-araw nating pagtutok sa mga news programs ay palaging sentro ng balita ang mga pulis na tiwali?

?May pulis na nagdodroga, nagbebenta ng droga at nangre-rape pa nga? Hindi ba’t may mga pulis na nangongotong? May mga pulis na damay sa mga gawaing hindi legal?

?Hindi sadya ang mga eksenang napapanood natin sa Ang Probinsyano, pero sinungaling ba ang mga scriptwriters ng palabas, hindi ba nagaganap ang mga senaryong baluktot tungkol sa ibang mga kapulisan?

?Hindi natin nilalahat ang mga pulis pero totoong-totoong-totoong-totoong may mga baluktot sa kanilang hanay. ‘Yun ang kailangan nilang trabahuhing mawala, hindi ‘yung pakikialaman pa nila ang serye ni Coco Martin, iligaw ba ang isyung sila ang palaging napupuruhan?

?Iligaw ba ang taumbayan?

vuukle comment

ANG PROBINSYANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with