^

PSN Showbiz

Alessandra gumanda nang magpakalbo!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Alessandra gumanda nang magpakalbo!
Alessandra

Marami ang nabigla nang makita si Alessandra de Rossi na kalbo sa premiere night ng Through Night and Day nila ni Paolo Contis. Hindi ang kawalan niya ng buhok ang gumimbal sa mga nakakita kay Alex kung hindi ang pangyayaring mas lalo siyang gumanda sa bago niyang hairdo.

Sa halip na makasira sa kanyang pinrodyus na movie ang kanyang ginawa, nakadagdag pa ito sa resulta ng grado na binigay ng Cinema Evaluation Board na grade “A”.

In fairness to CEB, kapag binigyan nila ng A ang isang movie ay talagang maganda ito at kapani-paniwala. At hindi maraming movie ang nakakakuha ng ganitong rating. Please take a bow, director Veronica Velasco.

Spotted din ang sister ni Alex na si Assunta de Rossi, ang bff niyang si Heart Evangelista at former hit leading man na si Empoy Marquez sa nasabing premiere night ng Through Night and Day.

Miss Universe at Miss Asia International, magkasunod sa Thailand

Windang sa excitement ang mga Thai dahil dala-dalawang international beauty pageants ang masasaksihan nila sa kanilang bansa. Katulad ng mga Pinoy, paboritong panoorin sa Thailand ang mga beauty pageant, ito ang Miss Universe kung saan represented ang Pilipinas ni Catriona Gray. Ang ikalawa ay ang Mrs. Asia International 2018 na habang nagtatagal ang preparasyon para dito ay nabuo ang confidence ng ating bet na si Jenny Guinto.

Sa rami ng ginawa nilang mga aktibidad ng mga kapwa niya kandidata ay halos para na silang magkakapatid ngayon. Sa talent portion pa lamang ay lumabas na ang pinaka-magagaling sa kanila.

Suwerte namang napabilang sa top 3 ng Classic Category si Gng. Guinto kasama si Miss Korea at Myanmar. Magbibigay silang tatlong muli ng performance sa finals na magaganap ngayong araw na ito.

Martin at Kiko mag-aala Angel at Tony sa Born Beautiful!

Mula kina Sanya Lopez at Derrick Monasterio na sinundan nina Angel Aquino at Tony Labrusca ang pagpapakita ng teaser ng kanilang mga pelikula na nagtatampok sa isang mainit na kissing scene.

Ngayon ay susundan sila ng isa pang ganitong eksena, pero ang tampok ay dalawang artistang lalaki, sina Martin del Rosario at Kiko Matos sa Born Beautiful na ang isa ay gumaganap ng role ng isang transgender. Hindi lang tatangkain ng dalawa na maging unrivalled ang laplapan nila kumpara sa mga nakabukas na bibig nina Angel at Tony sa Glorious, titiyakin ng dalawang aktor na maganda ang istorya tungkol sa pagmamahalan ng dalawang lalaki.

Alden hindi pa rin bumibitaw kay Maine

Malaking inspirasyon at hope ang ibinabahagi ni Alden Richards sa mga hindi bumibitaw na AlDub fans nila ni Maine Mendoza.

Kung si Maine ay hindi sing tibay ang kapit sa loveteam, opposite naman niya si Alden na sa isang interview ay nagsabing buhay na buhay pa ang kanilang tandem pero, dumadaan sila sa isang indivi­dual exploration for their growth as artists but always ready to go back to each other kapag kina­ka­ilangan.

Abala si Alden sa kanyang pag-aartista at pagkanta, habang si Maine ay may panahon sa kanyang lovelife.

Erich isusunod ni Derrick

Si Erich Gonzales ang susunod na makakapareha ni Derrick Monasterio sa isang Regal film. Since na-establish na ng Kapuso actor ang kan­yang sarili bilang isang sexy actor, makakaasa na ang mga manonood na muli siyang paggaga­napin sa mga sexy scenes.

Game naman dito si Erich na medyo matagal na ring hindi napapanood pagkatapos ng The Blood Sisters at sa pinrodyus niyang action film na We Will Not Die Tonight na nag-establish naman sa kanya bilang isang female action star.

vuukle comment

ALESSANDRA DE ROSSI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with