^

PSN Showbiz

Mika bibida at kontrabida

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Mika bibida at kontrabida
MIka

Magkasama na ang magkapatid na Angelika at Mika dela Cruz sa GMA7. Isa na ring Kapuso ang huli at magbibida na sa isang  serye, matapos ang matiyagang paghihintay dahil dalawang taon na siyang nakakalipat. Ito ang Dalawang Mukha ni Guadalupe kasama ang magdyowang Barbie Forteza at Jak Roberto. Marami ang ginawang projects ng girlfriend ni Nash Aguas sa ABS-CBN kaya nagtataka ang marami kung bakit kinailangan pa niyang lumipat. Isang bentahe ni Mika ay ang kakayahan niyang magbida at magkontrabida.

Ahtisa may ‘passport’ na sa showbiz

Kahit ano pang pagbubunyi ang gawin nating mga Pinoy para sa ating kababayang si Ahtisa Manalo na nag-1st runner up sa katatapos na Miss  International beauty pageant na ginanap sa Tokyo, Japan, hindi pa rin ito makakasapat para mawala ang panghihinayang na naramdaman niya, natin nang matalo siya ni Miss Venezuela. 

Alin mang bansa na sumasali sa mga beauty contest ang korona at titulo ang pinakamahalaga at hindi ang near victory. Marami naman siyang fall back. After her reign ay pwede rin siyang mag-artista. Maari niyang gayahin ang maraming beauty queens na matagumpay nang nakapasok ng showbiz.

Young Once malakas maka-reminisce

Masaya at nakaka-touch ang palabas ng NET25 na Young Once (Upon a Time).

Aksidente ko itong napanood kahapon mga 11 NU at kahit nakaramdam ako ng lungkot dahil mga lumang kanta at mga dating performers ang narinig ko’t napanood, mas lamang ang happiness for the memories that the show brought. 

Host ng show sina Darius Razon, Eva Vivar at Anthony Castelo at naging guest sina Bayang Barrios, Mike Hanopol at kumanta rin ang mga host. ‘It was nice of NET25 na gumawa ng ganitong revival program na miss na miss na ng mga kaedad ko at, I’m sure, ng marami ring mga nakakabatang viewers.

Bohemian… maraming pinaiyak

‘Di niyo pa napapanood ang Bohemian Rhapsody? Naku, malaki ang nami-miss niyo dahil napaka-entertaining ng film tungkol sa isang English rock band na binubuo ng apat na miyembro na sumikat simula nung 70s na may pangalang Queen at pinamunuan ni Freddie Mercury, isa sa mga sikat na artist who succumbed to AIDS. 

May isang malaking organisasyon na natatag sa ilalim ng kanyang pangalan at patuloy na lumalaban sa AIDS hanggang ngayon. Ilan sa mga kanta na pinasikat nila ay ang Love of My Life, I Want To Break Free, Champion of the World, We Will Rock You. 

Asahan niyong paiiyakin kayo ng movie na malaki ang pinagdaanan ng lead singer ng sikat na banda na ginampanan ng mahusay ni Rami Malek. Dala kayo ng tissue.

vuukle comment

MIKA DELA CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with