^

PSN Showbiz

Inigo at Maris kuntento sa walang label na relasyon

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Inigo at Maris kuntento sa walang label na relasyon
Inigo at Maris

Merong problema na dapat maresolba sina Inigo Pascual at Maris Racal na inaakala ng lahat na magkarelasyon na pero, nagsabing di pa sila officially together. Pero, kailan pa sila masasabing together gayung ‘di na pwedeng magpaligaw sa iba ni Maris at si Inigo naman ay bawal nang manligaw ng iba? Ito ang rule na sinusunod nila sa kanilang wala pang label na “relasyon”. May karapatan na rin si Inigo na sabihin kay Maris na ayaw niyang nagpapa-sexy ito pero, walang choice si Maris kapag hinihingi ito ng trabaho niya. ‘Yun ang lagay ng relasyon nila. Para mapadali ang pagiging 100% ng relas­yon nila, kailangan ni Maris ng assurance ni Inigo.  

Samantala, patuloy pa rin ang hindi malinaw na friendship nina Maris at Loisa Andalio. It seems wala pang indikasyon na mananauli ang pagkakaibigan nila lalo’t may iba nang BFF si Maris, si Sue Ramirez. Di kaya pwedeng mag-mediate ni Sue para lang magkaunawaang muli ang dating magkaibigan?

Sam napag-iiwanan nina Echo, Yen at Yam

Unfair namang sabihin na napag-iiwanan si Sam Milby ng mga co-stars niya sa Halik na sina Jericho Rosales, Yen Santos, at Yam Concepcion. Sobrang galit lang marahil ng mga manonood ng serye kay Ace na character ni Sam kung kaya hindi nila napansin na effective rin siya sa role niya. Gusto lang talaga ng manonood ang kaawa-awang character ni Echo at mortal na magkalabang roles ng dalawang babae na ang Halik na marahil ang pina­kamagandang assign­­ment na tinanggap nila, kahit binibigyan sila ng magandang laban ni Amy Austria.

Maynila may first time kay Ken

Si Ken Chan ang isa sa dalawang Kapuso actor na napili para guma­nap sa isang three-part series ng Maynila na nagsimula na kahapon tungkol sa dalawang magka­patid na sinubok ng pa­nahon ang katatagan. First time ng Maynila na hino-host ni Cong. Lito Atienza na gumawa ng isang episode na may tatlong bahagi bilang sele­brasyon ng 20th anniversary ng show. Maraming fans ng My Special Tatay ang mas hahangaan pa ang bida dito na si Ken dahil sa kanyang versati­lity sa pag-portray niya ng isa na namang kakaibang role.

Diego kailangan ng privacy

Pilit itinatanggi ang diumano’y tangkang pagpapakamatay ni Diego Loyzaga. Pilit itinatago at ayaw ipagmakaingay na imposible sa estado ni Diego bilang artista. Sikat siya at may sinusubaybayang programa sa kasalukuyan, ang Los Bastardos. Ipagpasalamat na lamang ng mga supporter niya na nakaligtas siya, totoo man o hindi ang balita. Isang malaking problema ito na nangangailangan ng atensyon ng mga magulang niya at mga nagmamahal sa kanya. At makakabuting bigyan sila ng privacy para makatagpo sila ng isang tamang solusyon para hindi na maulit ang ginawa niya.

vuukle comment

INIGO PASCUAL

MARIS RACAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with