^

PSN Showbiz

Paolo nagagamit ng mga dyowa para sumikat

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Paolo nagagamit ng mga dyowa para sumikat
Paolo at bf

SEEN: Ang bakasyon sa Greece ang birthday gift ni Enchong Dee sa sarili. Ipinagdiwang kahapon, November 5, ni Enchong ang kanyang 30th birthday.

SCENE: Si Patricia Javier ang direktor at producer ng kanyang 20th anniversary show sa Music Museum sa November 16, 2018. Special guests ni Patricia ang kanyang high school classmate, ang comedian na si Betong Sumaya, Claudine Barretto at ang mga dating kasamahan niya sa That’s
Entertainment.

SEEN: Ipagdiriwang ni Mel Tiangco at ng staff ng Magpakailanman ang 6th anniversary ng Saturday night drama anthology ng GMA 7. Unang napanood ang Magpakailanman noong December 2, 2002 pero pansamantalang nawala ang show noong December 2007. Muling ibinalik ng Kapuso
network sa telebisyon ang Magpakailanman noong November 17, 2012.

SCENE: Ang mall tour ni Maja Salvador noong Linggo para sa To Love Some Buddy, ang romantic drama movie nila ni Zanjoe Marudo. Mas ma­rami ang nanonood ng Bohemian  Rhapsody kesa sa To Love Some Buddy.

SEEN: Ang pagbabalik kahapon ni Ryan Agoncillo sa Eat Bulaga. Matagal na hindi napanood si Ryan bilang co-host ng Eat Bulaga dahil sa kanyang knee injury.

SCENE: Nauungkat ang video scandal ni Arjo Atayde dahil sa tsismis na may relasyon sila ni Maine Mendoza. Ang video scandal ni Arjo ang ginagamit na paninira ng fans na hindi boto sa kanya para maging boyfriend ni Maine.

SEEN: Tahimik si Paolo Ballesteros kapag tungkol sa lovelife niya ang isyu pero ang mga lalake na nali-link sa kanya ang naglalabas sa social media ng kanilang mga litrato na magkasama. Pinara­ratangan na famewhore ang mga lalake na nali-link kay Paolo dahil gustung-gusto nila na napag-uusapan sila.

SCENE: Ang girlfriend na si Julia Barretto ang special guest ni Joshua Garcia sa belated 21st birthday party nito na ginanap noong Linggo, November 4, sa isang events place sa Quezon City.Noong October 7 ang actual birthday ni Joshua.

SEEN: Ngayong gabi ang red carpet premiere ng Class of 2018 ng T-Rex Entertainment sa Cine­ma 7 ng TriNoma. Mga bida ng suspense-thriller movie sina Nash Aguas, Sharlene San Pedro, Kiray, CJ Navato at Kristel Fulgar.

vuukle comment

PAOLO BALLESTEROS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with