^

PSN Showbiz

Komedyanteng nadakip sa kasong estafa, naudlot ang ambisyong kumandidato

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Kaagad na ‘pinapatay’ ng komedyante ang napabalitang nahuli ito sa kasong Estafa.

Nung nakaraang linggo pa ito nangyari na kung saan ibinahagi sa akin ng isang kaibigang reporter na naka-assign sa lalawigan niya.

Umaga raw ito nahuli pero nakapagpiyansa naman siya agad kaya hindi na siya nakulong.

Kinahapunan ko siya tinawagan para kumpirmahin, at nagulat ito. Kaagad niyang itinanggi at sinabing hindi raw ito totoo.

Pero nakiusap siyang huwag na lang ibalita at huwag na lang daw palakihin.

Napag-alaman naming matagal na pala ang kasong iyun at hindi pa rin daw nito naayos kaya umabot na sa hulihan.

Ang pagkakaalam namin, balak sana nitong komedyante na tumakbo sa 2019 elections, pero nagbago ang isip niya.

Hindi raw kaya dahil sa mga kasong isinampa sa kanya kaya isinantabi na muna ang political plans?

Sabi naman ng ilang kaibigan nitong komedyante na nakausap namin, mas mabuting ayusin na lang daw muna ng  komedyante ang mga kasong isinampa sa kanya bago niya pasukin uli ang pulitika.

Ruru at Bianca dumepensa sa pagkikita sa Japan

Hindi pa tapos ang intriga kina Ruru Madrid at Bianca Umali matapos silang makitang magkasama sa Japan.

Kaya may mga nagsasabi nang si Ruru pa raw tuloy ang bumuwag ng tandem nina Bianca at Miguel Tanfelix.

Ang pagkakaalam ko, hindi pa naman nabuwag ang kanilang loveteam.

Nung huling nakausap ko nga si Miguel, sinasabi niyang gusto pa rin daw niyang makatrabaho uli si Bianca dahil kumportable na siya rito.

Umaasa siyang mabibigyan sila uli ng programang pagsasamahan nilang dalawa.

Itong kay Ruru naman, wala naman daw dapat isyu iyun dahil nagkita lang daw sila roon sa Japan.

Sa group tour daw si Ruru kasama ang pamilya niya. Matagal na raw niya itong naipangako sa pamilya niyang magbakasyon sila sa Japan.

Kasama naman si Bianca sa grupo ng mga pinsan niya.

Nagkita lang daw sila sa Japan, at ang mga kuhang magkasama sila ang kaagad na kumalat.

Noon pa man ay close na sina Ruru at Bianca dahil nagkasama naman sila sa ilang programa sa GMA 7.

Janine kumukonti ang bashers

Ngayon lang daw na-experience ni Janine Gutierrez na umiiyak siya habang nagbabasa ng script.

Sobrang madrama na raw kasi itong script ng Victor Magtanggol kaya nai-post niya sa kanyang Twitter account; “GETTING A BIT EMO bec I just finished reading the latest script and there are so many revelations!!! And I’m thinking, ito na yung mga matagal na hinihintay!!! Super exciting!! But you know when you’re excited. But you don’t want something to end? Don’t miss any episode.”

Naiiyak si Janine sa script pero yung mangilan-ngilang namba-bash pa rin sa kanya na tinatawanan na lang niya.

Pero natutuwa naman ang Kapuso actress dahil konti na lang ang mga basher niya, at mas marami na ang nagkakagusto sa kanya sa Victor Magtanggol ni Alden Richards.

vuukle comment

RURU MADRID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with