^

PSN Showbiz

Elmo tahimik pa sa pananakit kay Janella!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Elmo tahimik pa sa  pananakit kay Janella!
Elmo

SCENE: Ang balita na milyung-milyong piso at in US dollars ang talent fee ni Pia Wurtzbach at sulit ang ibinayad sa kanya dahil agaw-pansin ang sexy pictorial niya para sa kalendaryo ng Ginebra San Miguel.

SEEN: Matindi na damage control ang kailangan ni Elmo Magalona dahil walang kumampi sa kanya sa isyu ng pananakit niya sa girlfriend na si Janella Salvador. Hell hath no fury like a woman scorned.

SCENE: Ang Smells Like Candy ang pinakapaborito ni Marian Rivera sa mga air fabric freshener + soy candle scents ng BeauteDerm Home. Ipinakilala si Marian bilang ambassador ng Beautederm Home noong Martes at tinanggap niya agad ang offer dahil gustung-gusto ng aktres na palaging maba­ngo ang tahanan nila ni Dingdong Dantes.

SEEN: Napansin ng mga reporter na nag-interbyu kay Ken Chan na hindi nito maiwasan na magsalita at kumilos nang tulad ni Boyet, ang karakter niya sa My Special Tatay na may mild intellectual disability. Aminado si Ken na nadadala niya sa bahay nila at sa ibang lugar ang ugali ng kanyang role sa afternoon drama series ng GMA 7.

SCENE: Spotted si Rico Puno sa isang mall sa Makati City noong Linggo. Kasama ni Rico ang kanyang panganay na anak na babae. Medyo pumayat ang singer na mu­ling kakandidato na konsehal ng Makati City sa midterm election sa May 2019.

SEEN: Sa darating na Linggo, October 28, ang airing ng ASAP Live sa Sydney, Australia. Ang show ng ASAP sa Sydney ang unang appearance ni Regine Velasquez bilang Kapamilya star.

SCENE: Ang balita na magkakaroon ng reformat ang ASAP dahil sa pagpasok ni Regine Velasquez kaya maaapektuhan ang participation ng ibang mga mainstay ng Sunday noontime musical variety show ng ABS-CBN.

vuukle comment

ELMO MAGALONA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with