^

PSN Showbiz

Anne ‘di natupad ang pramis na last hirit sa concert

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Anne

SEEN: Hindi nagtagal si President Rodrigo Duterte sa Coconut Palace noong Huwebes, October 18, dahil umalis agad siya matapos ang civil wedding ceremony nina Senator Koko Pimentel at Kathryn Yu.

SCENE: Senator JV Estrada ang pabiro na tawag kay Senator JV Ejercito ng ibang mga bisita sa Pimentel-Yu nuptials dahil sa pasya niya na gamitin ang Estrada sa kanyang re-election bilang senador sa May 2019. Senatorial candidate din ang half-brother ni JV na si former Senator Jinggoy Estrada na unang nanilbihan na senador kesa sa kanya.

SEEN: Hindi natupad ang paghihigpit sa mga cellphone sa civil wedding nina Senator Koko at Kathryn Yu dahil ang mga VIP guest ang nanguna sa selfie shots at mga photo op sa ibang mga bisita.

SCENE: Na-delay ng 40 minutes ang wedding march sa Pimentel-Yu wedding dahil hinintay ang pagdating ni President Rodrigo Duterte na nanggaling pa sa isang speaking engagement.

SEEN: Pabiro ang ilan sa mga sagot ni Regine Velasquez tungkol sa paglipat nito sa ABS-CBN pero hindi ito nagustuhan ng kanyang fans na pinaalalahanan siya na huwag nang magsalita dahil malaki ang utang na loob niya sa GMA-7.

SCENE: Tapos na ang filing ng Certificate of Candidacy kaya huminto na ang mga nangungulit kay Robin Padilla na kumandidato siya na senador sa halalan sa susunod na taon.

SEEN: May Canada tour sa March 2019 ang AnneKulit, ang sold-out concert ni Anne Curtis sa Smart Araneta Coliseum noong August 18. Hindi nangyari ang pangako ni Anne na huling concert na niya ang AnneKulit sa Big Dome.

SCENE: Wise decision ang pag-atras ni Ervic Vijandre sa plano nito na kumandidato na konsehal ng San Juan City dahil mas malaki ang mawawala sa kanya kapag tinanggal siya sa cast ng Cain at Abel, ang upcoming primetime show ng GMA 7.

vuukle comment

ANNE CURTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with