^

PSN Showbiz

Young singer-actress na may k mabilis natutong mang-echos!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Echoserang frog ang tawag ngayon ng grupo ng mga show promoter sa isang nakikilala nang young singer-actress. Nanghihinayang din ang tropa dahil napakaagang natutong mang-echos ang girl.

Sayang dahil nabibigyan ngayon ng magagandang oportunidad ang young singer-actress sa network na pinagseserbisyuhan niya. Nakatutok ngayon sa kanya ang atensiyon ng mga bossing ng kumpanya.

Kuwento ng aming source, “Mahirap panghawakan ang mga salita ng babaeng ‘yun! Maayos ang usapan para sa isang show, pero nu’ng mismong araw na ng kompromiso niya, e, hindi siya sumipot!

“Kahirap ng naging posisyon ng nang-imbita sa kanya dahil umaasa ang mga kausap ng promoter na darating siya, pero napahiya ‘yung tao,” pasakalyeng kuwento ng aming impormante.

Ayos lang sana sa grupo kung nagsabi lang ng totoo ang young singer-actress, pero pinaasa niya ang grupo na darating siya, hindi naman pala.

“Natural, nagtse-check ang kumausap sa kanya kung nasaan na siya. Magsisimula na kasi ang show pero wala pa siya. Ang sabi ng girl, e, moving na raw siya, bumibiyahe na papunta sa lugar ng show.

“Pagkatapos nang isang oras, nag-check na naman ang kausap niya, malapit na raw sila sa lugar, huwag daw mag-alala ang nang-importa sa kanya para sa show.

“Pero ni anino niya, e, wala pa rin sa venue, kaya may-I-check na naman ang nang-invite sa kanya. Malapit na malapit na raw siya, makakahabol daw siya sa show sabi ng girl.

“Pero wala pa rin siya, nagtataka na ang nag-imbita sa kanya kung naliligaw ba siya o ano? Hindi raw siya naliligaw, parating na raw talaga siya.

“Ang ending, ang pinaka­huling text ng hitad, hindi na raw siya makararating dahil nagkaroon daw siya ng problema. Ang linaw naman ng mga nauna niyang sinabi na bumibiyahe na siya, di ba?

“Pero hindi naman pala, ine­chos lang niya ang kausap niya. Gumawa lang siya ng mga palusot! Ang totoo pala, e, hindi naman siya talaga pupunta sa tinanguan niyang show.

“May K ang name niya, pero mula nu’n, e, hindi na siya kilala ng mga nang-imbita sa kanya. Wala na siyang K ngayon, echoserang frog na ang tawag sa kanya ng tropa, dahil napakaaga niyang nagkaroon ng attitude,” nakataas ang kilay sa tenth floor na kuwento pa ng aming impormante.

Ubos!

Bibig hindi narendahan, Regine ipinahiya ang GMA

Napakainit naman talaga ng ginawang pagtanggap ng mga tagapamuno ng ABS-CBN sa bago nilang contract artist na si Regine Velasquez. Kung gaano kainit ang klima sa labas ay ganu’n din kainit ang pagsalubong sa Asia’s Songbird ng mga ehe­kutibo ng network.

Walang iniwan ‘yun sa nangyari nu’ng lumipat si Angel Locsin sa Dos, naglalagablab din ang pagtanggap sa aktres, pinaniwala pa nga nu’n ni Angel ang publiko na mag-aaral ito sa London pero kamukat-mukat mo’y lilipat-lulundag lang naman pala ng istasyon.

Sobra-sobra ang pasasalamat ni Regine, halos wala siyang maapuhap na mga salita bilang pagpapahalaga sa mainit na pagbubukas ng pintuan ng ABS-CBN para sa kanya, natural lang ‘yun sa isang personalidad na magbabago na ng tahanan para sa kanyang career.

Walang problema sa kanyang mga sinabi, naiintindihan ng mga kababayan natin na excited na talaga si Regine na makatrabaho ang mga sikat at posteng artista ng ABS-CBN.

Sa isang litanya lang siya nabutasan ng mga miron, ang sinabi ni Regine na, “’Yun talaga ‘yun. Na bago man lang matapos ang career ko, masabi kong nakatrabaho ko rin ang number one station.”

Mapakla sa panlasa ‘yun ng mas nakararami, sana raw ay nirendahan na lang ng singer-actress ang kanyang bibig, dahil siguradong binigyan niya ng mag-asawang sampal ang mga taga-GMA-7 sa kanyang sinabi.

Sabi ni propesor, “Sabihin na nating number one station nga ang nilipatan niya, pero sana, she had the decency to respect the station where she came from.

“Dekada rin ang ipinagtrabaho niya sa GMA-7, kaya sana, hindi na niya sinabing number one station ang ABS-CBN. Galing siya sa direktang kalaban ng pinili niyang lipatan, e!

“Hindi maganda ‘yun sa panlasa, lalo na ng mga executives ng GMA-7, dahil siya pa, sa kanya pa nanggaling na number one station ang Dos, sa kanya pa!” himutok ni prop.

vuukle comment

ECHOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with