^

PSN Showbiz

Regine issue, sobra na!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Regine Velasquez overload naman ang mga balita.

Para bang pinakamalaki nang pangyayari sa showbiz ang naganap na paglipat to the point na kung anu-ano pa ang napag-uusapan.

Sobra naman iyon nasabi na hindi kilala ang TV show ni Regine nang banggitin niya sa isang concert at ang kilala lang ay ang Ang Probinsyano ni Coco Martin.

Iyon para bang wala nanonood sa GMA. Tanggap ng lahat na malakas at number one ang Probinsyano, pero kahit si Coco Martin naman ay naniniwala din na may nanonood sa Victor Magtanggol ni Alden Richards.

Huwag na kasing pahabain pa o kung anu-ano pang isyu ang buksan sa paglipat ni Regine, iyon lang iyon lumipat, gustong tikman ang kabilang istasyon, period.

Kahit pa siguro lumipat lahat ng artista ng GMA 7 hindi babagsak o mawawala ang istasyon. Maaapektuhan sa una, pero tatayo at tatayo pa rin.

Ganundin ang Channel 2, lumipat man lahat ng artista nila, iyon pa rin, Channel 2 pa rin sila.

Pader na pareho iyan, mahirap gibain, ikot-ikot lang tapos babalik din kung tatanggapin pa.

 Di lang naman si Regine ang lumipat, marami rin artista ng 2 ang lumipat sa 7 at no big deal. Suwerte nga iyon mga lumipat na tinanggap, malas mo pag gusto mong lumipat, hindi ka tanggapin.

Kung masaya si Regine sa 2, let it be, masaya rin ang 7 na masaya siya at tutal naman 20 years na siya na naging talent ng 7 siguro naman ‘di siya tatagal ng ganun kung di siya inalagaang mabuti.

Hindi hihinto ang GMA 7 dahil lumipat lang si Regine o kahit sinong artista. GMA 7 pa rin iyan with or without Regine Velasquez. At Chanel 2 pa rin iyan, kahit may Regine. Tuloy ang buhay, walang nabago.

So tama na ‘wag nang ibahin ang isyu,.

Lani kakaiba ang katatagan

May sadness na naramdaman si Lani Mercado nang mag-file siya ng certificate of candidacy ng senatorial bid ni Bong Revilla, Jr. sa Comelec Intramuros noong Miyerkules.

Nasanay si Lani na sinasamahan ito ni Bong sa tuwing siya ang magpa-file ng kanyang CoC nang kumandidato siya na house representative ng Bacoor City noong 2010 at nang tumakbo siya bilang mayor noong 2016.

Lalong naramdaman ni Lani ang absence ni Bong nang siya ang mag-file ng CoC ng mister niya na muling kakandidato na senador sa eleksyon sa May 2019.

Bilib na bilib ako kay Lani, hindi dahil sa alaga ko siya. Kahanga-hanga ang katatagan na ipinakikita niya dahil matapang niya na hinaharap at nalalampasan ang mga pagsubok na pinagdaraanan ng pamilya nila.

Hindi ko pa nakita si Lani na harassed o ngarag ang itsura sa kabila ng mga responsibilidad niya bilang asawa, nanay ng kanyang mga anak at ina ng mga taga-Bacoor City.

Isa lang ang alam ko na sikreto ni Lani, ang kanyang malakas na pananampalataya sa Panginoon.

Superwoman nga ang tingin kay Lani ng ibang mga kababaihan dahil sabay-sabay niya na nagagawa ang lahat ng kanyang mga obligasyon.

Sana nga, makalaya na si Bong bago sumapit ang Pasko para makumpleto na ang kaligayahan ng pamilya niya.

Pamilya Revilla pagtutulungan ang kampanya ni Bong

Re-electionist si Lani sa May 2019 pero tiyak na tutulong siya sa kampanya ni Bong.

Nag-usap na sila ng kanyang mga anak at ng mga kapatid ni Bong. Tulung-tulong sila na mangangampanya.

Ang pamilya ng Revilla ang perfect example ng typical Filipino family na mahigpit ang pagkakabigkis at talagang one for all, all for one ang samahan.

At ang good news na magkakaroon uli sila ng bagong apo ang natanggap nina Lani at Bong sa linggong ito dahil buntis sa third baby ang kanilang Davao-based daughter na si Inah del Rosario.

Nag-aaral si Inah sa Davao pero magpa-file muna siya ng leave of absence sa school na pinapasukan niya dahil sa pagbubuntis niya.

Matagal nang nag-migrate ang Del Rosario couple sa Davao at gustong-gusto nila ang lugar na binansagan na Duterte country dahil tahimik dito at may disiplina ang mga tao. Si Sara Duterte ang mayor ng Davao City at suportado ng kanyang Hugpong ng Pagbabago Davao regional party ang senatorial bid ni Bong.

vuukle comment

REGINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with