^

PSN Showbiz

Halik may cost cutting?!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Gusto kong manawagan sa mga Unit Head ng Chanel 2 Mama Salve.

Kasi napapansin ko lately na ang taping ng mga alaga ko halos once a week lang na kung minsan nga marami na ang tatlong beses sa isang buwan.

Kaloka ha, nakatali ka sa series tapos ganun lang ang trabaho mo.’Di ba para naman napaka-unfair, lalo na pag isa lang ang ginagawa mo.

Napansin ko kasi na si Amy Austria na kasama sa Halik, halos isang beses lang siyang nag-taping sa isang buwan.

Gusto kong itanong kay Ruel Bayani kung cost cutting ba iyon, o hindi importante ang role ni Amy kaya paminsan-minsan lang ang taping niya?

Sana kung ganun, fix na araw na lang ang hingin ng production like pag Monday o anuman araw ka lang kailangan sabihin nila para the rest of the week, puwede kang kumuha ng ibang trabaho.

Please paging, Deo Endrinal, Ruel Bayani and other unit manager, paki clear nga po itong problem na ito.

Mama Malou Santos, ano ba ito, cost cutting o snobbing?

Hah hah joke pero medyo alarming dahil feeling lugi ka na tali ka sa teleserye pero once a month lang trabaho mo. Please.

Misis ni Alfred pang-baby girl ang hitsura ng pagbubuntis

Nag-file si Quezon City District V House Representative Alfred Vargas ng certificate of candidacy noong Miyerkules at kasama niya ang misis na si Yasmine Espiritu-Vargas.

Gandang-ganda kay Yasmine ang lahat ng mga nakakita sa kanya. Alam nila na baby boy ang ipinagbubuntis ng asawa ni Alfred pero mapagkakamalan na baby girl ang dinadala niya sa sinapupunan dahil blooming ang kanyang beauty.

Happy wife and mother si Yasmine at makikita sa physical appearance niya ang inner happiness na nararamdaman. Hindi nga mahahalata sa itsura ni Yasmine na nahirapan siya sa pagbubuntis sa third baby nila ni Alfred dahil sa kanyang positive aura.

Kapag pinalad si Alfred na muling manalo na congressman ng 5th District ng Quezon City, ito na ang kanyang last term.

Confident ako na muling iluluklok si Alfred sa puwesto ng constituents niya dahil sa kanyang good performance bilang public servant na best campaign.

“Service always begins from the heart” ang madalas sabihin ni Alfred dahil talagang ginagawa niya ang lahat ng mga sinasabi at tinutupad ang lahat ng kanyang mga pangako.

“Ang sarap maglingkod kapag dama mo ang pagmamahal ng mga pinaglilingkuran mo,” ang sabi ni Alfred na youngest congressman sa Quezon City at kabilang sa Top 10 solons na nag-file ng maraming bills sa Kongreso.

Dokumentado ang 319 proposed measures at resolutions ni Alfred na pakikinabangan ng lahat ng mga Pilipino.

Si Alfred ang principal author ng 20 Republic Acts na kinabibilangan ng landmark bills gaya ng R.A. 10931: Universal Access to Quality Tertiary Education Act; R.A. No. 10645: Mandatory PhilHealth Coverage for All Senior Citizens; R.A. No. 10747: Rare Diseases Act of the Philippines;  R.A. No. 10644: An Act Promoting Job Generation and Inclusive Growth Through the Development of Micro, Small, and Medium Enterprises; R.A. No. 10667: Philippine Competition Act; R.A. No. 10679: Youth Entrepreneurship Act; and R.A. No. 11036: Philippine Mental Health Law.

Bongga di ba?

Hindi nakaligtas sa ibang mga sektor ang sipag at dedikasyon ni Alfred sa kanyang tungkulin kaya tumanggap siya ng maraming parangal bilang public servant, ang 2013 MWWF Gintong Palad Award for Public Service, 2012, 2013 Most Outstanding City Councilor, Manuel L. Quezon Bantayog Award, Special Award for Excellence in Public Service for 2012 of the Aliw Award Foundation Inc., Gintong Kabataan Award, at  Bulacan Outstanding Youth Achievement Award noong 2008.

vuukle comment

ALFRED VARGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with