^

PSN Showbiz

Julie Yap Daza Life Goal!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Julie Yap Daza Life Goal!

#LifeGoal si tita Julie Yap-Daza.

Ang saya saya niyang kasama sa biyahe.

Sa edad na 74, hindi rin siya agad-agad napapagod.

Nang makasama namin siya sa Bangkok, Thailand, recently lang, wow naka-amaze na ang bait pala niya. At kahit casual na usapan lang, may sini-share siyang wisdom.

Very down to earth din si tita Julie, ang mother dear ni Ms. Pat P. Daza na naririnig at napapanood na daily sa Teleradyo 4:30 to 5:30 p.m. with Peter Musngi.

Hindi ko inasahan na ganun kabait ang isa sa pinaka-mahusay na lifestyle editor/columnist, award winning TV host and book author. Walang ere sa katawan at very positive ang vibes.

Game rin siya sa lahat ng lakaran at kainan. Walang diet-diet at maraming kuwento.

At pag kukuha siya ng picture, hindi siya ka-join. May dala si tita Julie na red digital camera na siya mismo ang nagpi-picture. Maalalang nagkaroon na siya noon ng photo exhibit.

At ito, isa pala sa kaligayahan niya ay magpunta sa 168 sa Divisoria. Yup, dun siya nagsa-shopping. In fact, ‘yung dala niyang isang bag sa Bangkok doon niya raw binili.

At dahil daily show na si Ms. Pat siguradong everyday na rin itong nakatutok sa DZMM. Binabantayan daw kasi niya dahil baka may masabing pang-off the record ang anak. 

Ito pa, pagdating namin sa airport dito sa Manila, ayaw niyang sumakay sa wheelchair.  Si Nay Lolit Solis tinamad nang maglakad papunta ng Immigration dahil pagod na siya. Kaya nagpa-wheelchair. Inaaya niya si tita Julie, pero ayaw niya, malalakad na lang daw siya.

Si tita Julie ang nagturo sa mga kabit o mistress kung paano magkaroon ng etiquette sa libro niyang The Etiquette of Mistresses na nagkaroon pa noon ng movie version starring Kris Aquino, Claudine Barretto, Iza Calzado, Kim Chiu and Cheena Crab.

Kinilala rin ang husay niya bilang host sa Tell The People na pag nanood ka, parang matalino ka na.

Anyway, sobrang enjoy and memorable ang quick trip namin na kahit si Nay Lolit ay happy na nakasama si Ms. Julie.

Special thank you to Ms. Cris Roque of Kamiseta sa short but memorable bonding with Nay Lolit, Leo Espinosa, Pat. P. and Michelle Teves.

Si Ms. Cris ang isa sa nasa listahan ni Nay Lolit na kind rich Asian dahil sa sobrang kabaitan.

vuukle comment

JULIE YAP-DAZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with