^

PSN Showbiz

Jed may pa-goosebumps sa concert sa Araneta

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Jed may pa-goosebumps sa concert sa Araneta
Jed

MANILA, Philippines — Pasabog na naman ang showbiz anniversary ni Jed Madela this year.

Tradition na nga na laging pasabog ang handog ni Jed tuwing anniversary niya kaya naman hindi ito naiiba this year.

Mamarkahan niya ang ika-15 taon sa industriya sa pamamagitan ng kauna-unahan niyang solo concert sa Araneta Coliseum na pinamagatang Higher than High: the 15th Anniversary Concert sa Nobyembre 16 (Biyernes), 8:00 PM.

“Pangarap ng bawat mang-aawit na tumayo sa entablado at sumigaw ng ‘Good evening, Araneta!’ Excited at kinakabahan ako. Excited dahil sa wakas ay magpeperform ako ng solo sa Big Dome at kabado dahil may pressure na punuin ang Araneta,” pag-amin ni Jed sa tsikahan kahapon.

Kuwento pa ni Jed, ang manager niya ang nakaisip ng title. “Naisip niya ito base sa inaasahan ng audience sa akin kapag ako’y magpeperform—ang pag-awit ng big songs. Power belting, kumbaga. Pero higit sa pag-awit ng ganyan, ang goal ko talaga para sa concert na ito ay dalhin ang audience sa next level, yung tipong may goosebumps bawat number.”

Early this year pa nagsimulang paghandaan ng team ni Jed ang nasabing show kaya proud at excited na siya.

“Pinaghandaan namin ang lahat ng numbers, lalo na yung opening. Simula pa lang, pasabog na, promise. Major goosebumps talaga! Ayokong magspoil ng sorpresa, pero sasabihin kong magsisimula ang show pagtungtong pa lang sa venue,” excited niyang kuwento.

Mula sa paglabas niya ng unang album, ang I’ll Be Around, hanggang sa kanyang pagsali sa 2005 World Championships of Performing Arts, at ngayon sa kanyang estado bilang magaling na OPM artist, pasasalamat niya ito sa lahat ng mga sumuporta sa kanya.

“Grateful ako sa mga sumuporta since day one. Wala man akong fans na nag-aabang at tumitili, alam kong may mga supporters akong walang sawa sa pagbibigay halaga. Hanggang sa merong mga tao na nais marinig ang pagkanta ko, patuloy ako sa pag-awit.”

Mula sa direksyon ni Marvin Caldito ang Higher than High: the 15th Anniversary Concert.

 Makakasama ni Jed ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra—sa pamumuno ni Maestro Gerard Salonga—at ang Philippine Madrigal Singers.

vuukle comment

JED MADELA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with