^

PSN Showbiz

Pamilya Revilla gustong wasakin

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Pamilya Revilla gustong wasakin
Lani

Nakakatawa ang ilang tao na gustong pag-awayin at gibain ang pamilya Revilla. Imagine na may mga taong gustong tumakbo bilang mayor ng Bacoor si Congressman Strike Revilla against kay Lani Mercado na siyang Mayor ngayon na nakaupo. 

Saan mo naman nakita na maglalaban ang mag-bayaw/hipag sa isang posisyon? Hindi ba parang masyado naman brutal ang idea na ito para sirain ang samahan ng pamilya Revilla? 

Hindi ba parang hindi na nag-isip ang sinuman nag-imbento nito? Si Lani ay isang reluctant candidate at kaya lang siya napasok sa pulitika ay dahil sa pagsunod sa mga plano ng pamilya. Sa kanyang pagpasok sa career na ito, nagawa niya ng mahusay ang kanyang trabaho sa tulong na rin ni Strike na naging mentor niya dahil ito ang dating mayor at ngayon nga ay congressman na. 

Hay naku, ewan ko ba  dahil wala akong alam sa politics ‘di ako maka-intindi sa mga rigodon, party affiliation  at kung ano rigmarole nito. 

But one thing is sure, sobra ang family tie ng mga Revilla kaya mahirap alisin ang buhol. Kung sinuman nag-isip ng idea, try another plan please! 

Dingdong pinaghihintay ang pulitika

Umpisa na ang filing of candidacy sa tatakbuhan posisyon sa gobyerno. Dito nakita ang wisdom ni Dingdong Dantes na hindi nagpadala sa mga nag-uudyok sa kanya na tumakbo sa pulitika. Family before anything ang linya ni Dingdong. Buntis si Ma­rian Rivera at bata pa si Zia kaya mas kailangan nandun siya bilang padre de pamilya. Saka na ang pulitika. May panahon para diyan. Bongga si Dingdong, may wisdom at lakas ng loob magdesisyon. May mga artista tayo na sasabak, at siguro naman bibigyan ng chance ng tao. Naging mahusay na mayor,Governor at congressman si Vilma Santos. Kitang-kita mo ang passion at pagiging good mayor ni Richard Gomez. Maganda din na­riri­nig ko na resulta sa trabaho ni Alfred Vargas. So far, ok naman performance ni Herbert Bautista. Maraming artista ang naging tagumpay ang pamumuno. So hindi totoo na pag artista, walang alam. When they worked, they work hard. Same in acting, passio­nate ang tingin nila sa trabaho nila as politicians. Give them a chance. 

Kapatid ni Cong. Alfred na si PM magko-konsehal na rin      

Kasama ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte si Patrick Michael Vargas sa filing niya ng certificate of candidacy sa Comelec office noong Huwebes.

Si Patrick Michael na mas kilala sa kanyang nickname na PM ang younger brother ng aktor at ng Quezon City District V House Representative na si Alfred Vargas.

Nag-file din si PM ng certificate of candidacy dahil tatakbo siya na konsehal ng 2nd District ng Que­zon City sa May 2019 elections at member siya ng TEAM Joy ni Vice Mayor Joy.

Susundan na rin ni PM ang yapak ni Alfred sa public service. Bago nahalal na congressman ng District V, matagal na naglingkod si Alfred bilang konsehal ng District 2.

Businessman si PM pero malawak ang kaalaman niya sa public service dahil sa dami ng kanyang mga natutunan mula sa karanasan ni Alfred. Si PM ang  isa sa mga “wind beneath my wings” ni Alfred dahil very supportive siya sa political career at mga public service ng kanyang kuya.

Siyempre, suportadong-suportado ni Alfred ang pagpasok ni PM sa mundo ng public service kaya sure na ipangangampanya niya ang kandidatura ng kanyang kapatid, kahit reelectionist siya bilang house representative ng 5th District ng Quezon City.

World Pandesal imbitado ang lahat

Imbitado ang lahat sa “World Pandesal Day” sa October 16 at  magaganap ito sa nasunog na puwesto ng legendary Kamu­ning Bakery Café sa  Judge Jimenez St. corner K-1st Street, Quezon City.

Idea ng Philippine Star columnist na si Wilson Lee Flores ang World Pandesal Day at mamimigay siya ng libu-libong pandesal sa araw na ‘yon, simula alas-onse nang umaga.

Pangungunahan ni Vice Mayor Joy Belmonte ang World Pandesal Day dahil isa siya sa mga kilalang per­so­nalidad na inimbitahan ni Wilson. Invited din ang mga kaibigan ni Wilson mula sa showbiz, politics at business sector.

Si Wilson ang may-ari ng Kamuning Bakery Café na nasunog noong February 6. Marami ang nalungkot sa nangyari, lalo na ang loyal customers ng Kamuning Bakery pero nangako si Wilson na ibabalik niya ang makasaysayan na panaderya.

vuukle comment

LANI MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with