Pilipino Star Ngayon... Best Tabloid, maraming salamat Alta Media
Maraming maraming salamat Alta Media Icon Awards 2018 - University of Perpetual Help System Dalta Las Piñas sa pagkilala bilang Best Tabloid sa aming pahayagang Pilipino Star Ngayon.
Ito ang ikaapat na pagkakataon na natanggap namin ang nasabing karangalan.
Nasa ikaapat na taon na ang University of Perpetual Help sa pagkilala sa outstanding practitioners, programs, and organizations sa larangan ng mass media - 4th ALTA Media Icon Awards (AMIA) - na ginanap noong October 5, 2018 sa Ernesto Palanca Crisostomo Hall, University of Perpetual Las Piñas Campus na dinaluhan ng malalaking showbiz personalities na binigyan din nila ng pagkilala.
Naging tema ngayong taon ang #PERPETUALIKE: The Youth & The Media Setting the Trend for Excellence.
Ang mga estudyante ang namimili ng mga pinararangalang media programs, personalities and organizations base sa mga naging kontribusyon nila sa pagbuo ng maayos na pamayanan sa pamamagitan ng pagpapahalaga at pagpapakalat ng Filipino values sa pilosopiya ng Perpetualite na ‘Character Building is Nation Building.’
Ang 66 awardees ay pinili ng College and Senior High School students of University of Perpetual Help – Las Piñas, ang pinaka-malaking Perpetual Dalta na merong 10,000 strong college and senior high population. Bukod pa sa screening committee na binubuo ng esteemed administrators and educators na pumili ng apat na tumanggap ng Iconic awards.
The awarding rites ay pinangunahan ni Mr. Anthony Jose M. Tamayo, University President; Dr. Alfonso H. Loreto, School Director; Dr. Joven Sepino, College of Arts and Sciences Dean; Rowena G. Morta, Chairperson of Department of Communication; and Alda Lou Cabrera, Professor and the Project Head. This annual event is managed by BA Communication students under the College of Arts and Sciences.
Patuloy po kaming magbibigay ng mga totoong balita. Mabuhay po kayo at maraming salamat uli Media Icon Awards at sa aming readers.
- Latest