^

PSN Showbiz

Lovi at Jolo kakaiba ang closeness

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Lovi at Jolo  kakaiba ang closeness
Jolo at Lovi

Magkabalikan kaya?!

Wala lang kaming chance na nakatsikahan si Lovi Poe sa premiere night ng Tres nung kamakalawa ng gabi, kaya di namin natanong sa kanya kung totoong break na sila ng American boyfriend niyang si Chris Johnson.

Medyo namalisyahan lang kasi ako sa closeness ngayon nina Lovi at Jolo Revilla.

Nag-guest si Lovi sa episode na 72 hours ni Jolo at dumalo siya sa premiere night sa SM Megamall.

Personal siyang inimbita ni Jolo, at umoo naman agad ang aktres.

Nag-react ang mga fans nang lumabas si Lovi sa bandang ending ng episode ni Jolo, kaya posibleng magkaroon ng magandang project na pagsasamahan nilang dalawa.

Pagkatapos ng premiere night nung Linggo September 30, tumuloy sila sa Tipsy Pig sa Capitol Commons para sa cast party.

Nakita namin sa kanilang Instagram account na ang saya nila sa party na iyun.

Binanggit ko nga kay Jolo ang naobserbahan ko sa kanilang dalawa, ngumiti lang siya at hindi na ako sinagot.

Posible kayang magkabalikan silang dalawa?

Samantala, maganda ang feedback sa Tres na mapapanood na simula bukas.

Pinaka-type nila ang Amats na episode ni Luigi Revilla na kung saan doon talaga ipinarating ang mensahe tungkol sa drug war campaign ng gob­yerno.

The Clash may season 2 agad

Nakakuha ng 14.4 percent ang finals ng The Clash nung nakaraang Linggo, September 30. Natalo nito ang katapat na 9.4 lang ang rating.

Kaya sure na sure na ang season 2 nito sa susunod na taon.

Pero pagkatapos ng finals na kung saan nagwagi bilang kauna-unahang champion ang Golden Voice ng Cebu na si Golden Canedo, may concert pa sila sa darating na Linggo na kung saan kasama pa rin pala si Regine.

Iyun na nga ang usap-usapan doon sa finals na iyun na nga kaya ang huling programa ni Regine sa Kapuso network?

Hindi lang in-allow na ma-interview doon ang Asia’s Songbird, kaya wala pa tayong naririnig sa kanya tungkol sa isyung lipatan.

Ang isa lang sa in-announce ay ang musical show na kapalit sa timeslot ng The Clash.

Studio 7 ang title ng show na kung saan kabilang dito si Mark Bautista at ang winner ng The Clash at iba pang finalists.

Abangan na lang natin sa launch ng Studio 7 kung may masasabi na ba sila tungkol sa isyung paglipat ni Songbird.

Hosts ng ABS-CBN ball hindi nakaligtas sa panlalait kapamilya bosses dismayado kay Liza?!

Enjoy na enjoy ang mga netizen sa panlalait sa ilang Kapamilya stars na rumampa sa red carpet ng ABS-CBN Ball nung nakaraang Sabado, September 29.

Ang isa sa pinag-usapan ay ang live streaming na kung saan doon tumutok ang ka­ra­mihan.

Hindi ko ito napanood, pero naikuwento lang sa akin ang ilang blunder ng mga host sa live streaming.

Anim daw silang host na pinanguhan ni Tim Yap.

Naloka raw ang ibang tumutok nang sinabi raw ni Tim na “the late Edgar Mortiz” nung dumaan si Franco Mortiz. Inulit pa raw niya ito, na ang buong akala niya yata ay namayapa na si Edgar Mortiz.

Hanggang sa may nag-correct sa kanya, kaya nag-sorry naman daw siya. Sinabi pa raw niyang hoax na patay na si Edgar Mortiz.

Isa raw iyun sa ikinaloka ng mga nanood doon sa live streaming nang pinatay daw nito si Edgar Mortiz.

Hindi rin maalala ng aming source kung sino sa mga hosts ang nagsabing si John Arcilla nang dumaan sa red carpet si Mark Lapid.

Sana merong nag-guide sa mga host kung sino ang mga dumadaang artista dahil hindi nila kilalang-kilala ang karamihang taga-showbiz.

Samantala, totoo kaya ang nabalitaan naming disappointed daw ang mga executives ng Dos sa ayos ni Liza Soberano?

Marami rin kasi ang nagkomentong hindi nila gusto ang ayos ng Kapamilya young actress.

vuukle comment

LOVI POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with