^

PSN Showbiz

ABS-CBN ball naka-p1.6 million, Jericho and Erich best dressed

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
ABS-CBN ball naka-p1.6 million, Jericho and Erich best dressed
Erich at Jericho

Speaking of ABS-CBN Ball, nakalikom din pala sila ng P1.6 million. At ang pinaka-malaking donation ay si Mother Lily Monteverde ang nagbigay - P1 million - ayon sa isang executive ng Kapamilya Network.

Nagtipun-tipon nga ang higit sa 300 pinakamalalaking bituin sa bansa para ipagdiwang ang pagkakaibigan at ilunsad ang isang makabuluhang kampanya sa ABS-CBN Ball 2018 na idinaos sa Makati Shangri-La noong Sabado ng gabi (Sept. 29).

Kuminang man sa red carpet ang magagandang kasuotan ng Kapamilya stars, mas naging makahulugan ang ball dahil sa paglulunsad ng adbokasiyang tutulong sa muling pagbubukas ng Bantay Bata 163 Children’s Village.

 Pinangunahan ni Vice Ganda ang launch ng naturang adbokasiya na naglalayong makatulong sa pangangalaga ng mga batang dumanas ng pang-aabuso o kapabayaan sa pamamagitan. Sa Children’s Village sa Norzagaray, Bulacan, mabibigyan ng agarang kalinga ang mga bata at tutulungan silang gumaling at makabangon ang mga bata mula sa kanilang madilim na karanasan sa pamamagitan ng pisikal at psychological na pangangalaga.

Tampok din sa pagdiriwang ng pagkakaibigan at pagsasama-sama ang pamimigay ng espesyal na glam awards, kabilang na ang Oppo Couple of the Night na napunta sa Exes Baggage stars na sina Carlo Aquino at Angelica Panganiban.

Umangat naman ang outfits nina Jericho Rosales at Erich Gonzales na siyang nagwagi bilang Metro Best Dressed Male at Metro Best Dressed Female awards.

Kuminang din sa naturang gabi si Maymay Entrata na nagwagi ng Belo Beautiful Star of the Night, at si Chie Filomeno na pinangalanang The Bar Next Generation Star.

Binuksan naman nina Daniel Padilla at Gary Valenciano ang programa sa awiting Girl From Ipanema/LOVE, habang pinaindak naman nina Inigo Pascual at Billy Crawford hanggang sa dulo ang mga attendee sa kanilang performance ng Girls Like You.

Ang ABS-CBN Ball ay pinangunahan ng host na si Boy Abunda, at dinaluhan ng pinakamalalaking stars ng ABS-CBN gaya nina Judy Ann Santos-Agoncillo, Angel Locsin, Coco Martin, Vice Ganda, Anne Curtis, Sarah Geronimo, Kim Chiu, Erich Gonzales, Bea Alonzo, Jodi Sta. Maria, Maja Salvador, Jericho Rosales, Angelica Panganiban at Piolo Pascual, at pinakamaiinit na love teams gaya nina Nadine Lustre at James Reid, Maymay Entrata at Edward Barber, Kisses Delavin at Donny Pangilinan, Julia Barretto at Joshua Garcia, Liza Soberano at Enrique Gil, at Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Dumalo rin sa event ang beauty queens na sina Catriona Gray, Pia Wurtzbach, Kylie Verzosa, Nicole Cordoves, at Ariella Arida.

Nakisaya rin sa pagdiriwang ang ABS-CBN executives kabilang na ang chairman emeritus ng kumpanya na si Gabby Lopez, chairman na si Mark Lopez, president at CEO na si Carlo Katigbak, chief content officer na si Charo Santos-Concio, COO for broadcast na si Cory Vidanes, Freddie Garcia, at Star Magic head Mariole Alberto at chairman emeritus Johnny Manahan.

vuukle comment

MOTHER LILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with