^

PSN Showbiz

Mark walang bakas ng pagiging bisexual nang maging macho dancer

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Mark walang bakas ng pagiging  bisexual nang maging macho dancer
Mark

Dyowa ni Mystica na ka-join sa sex scandal sabit din sa AP

SEEN: Si Lorna Tolentino at ang direktor na si Romy Suzara ang special guests sa special screening ng restored version ng Sa Init Ng Apoy sa Santolan Town Plaza Cinema noong Martes nang gabi. Si Lorna at ang kanyang pumanaw na asawa na si Rudy Fernandez ang lead stars ng Sa Init ng Apoy. Si Romy ang direktor ng 38-year old movie ng Trigon Cinema Arts.  

SCENE: Lumutang nang husto si Nathalie Hart sa mga eksena nito sa Abay Babes pero pansin na pansin ang biglang paglaki ng dibdib niya dahil buntis na siya habang ginagawa ang pelikula ng Viva Films.

SEEN: Macho dancer ang role ni Mark Bautista sa Abay Babes. Walang hint na bisexual si Mark sa kanyang mga eksena sa Abay Babes.

SCENE: May bagong leading man si Nadine Lustre sa Ulan pero hindi pa naglalabas ng official announcement ang Viva Films at ang N2 Productions tungkol dito.

SEEN: Acting na acting si Mystica sa mga eksena niya sa Ang Probinsyano. Gustong patunayan ni Mystica na hindi nagkamali si Coco Martin na pagbigyan ang kanyang hiling na mapabilang siya sa cast ng primetime show ng aktor sa ABS-CBN.

SCENE: Hindi lamang si Mystica ang nabigyan ng pagkakataon na mapanood sa Ang Probinsyano dahil may special participation din dito ang kanyang asawa na si Kid Lopez. Si Kid ang kasama ni Mystica sa video scandal nila na kumalat sa Internet.

SEEN: Ipinagdiwang kahapon ni Kobe Paras ang kanyang 21st birthday. Hindi nakauwi ng Pilipinas ang kanyang nanay na si Jackie Forster pero may usapan ang mag-ina na magkikita sila sa susunod na buwan.

SCENE: Si Jason Abalos ang napipisil na leading man ni Jennylyn Mercado sa bagong television series ng GMA 7 na pagbibidahan ng aktres. Japino ang working title ng teleserye na pagbibidahan ni Jennylyn.

vuukle comment

MARK BAUTISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with