^

PSN Showbiz

Matteo at Sarah amoy kasalan na

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Matteo at Sarah amoy kasalan na
Matteo at Sarah

Talagang nilulubos na nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ang kanilang relasyon. Bumiyahe na naman sila pa-Europe para sa selebrasyon ng kanilang fifth anniversary, at silang dalawa lang wala silang ibang kasama. Bakit pa naman nila kailangan ng extra baggage o ibang gagastusan gayong pareho na silang nasa tamang edad at kaya nang alagaan ang kanilang sarili.

Kung mabibigyan lamang marahil ng basbas ng mga magulang ni Sarah ay mauuwi na sila sa kasalan ni Matteo.

Kathryn, tumulong din sa script ng THOU

Mukhang inilabas na ni Kathryn Bernardo ang lahat ng kanyang talento sa maituturing sa the highest grossing film of all times na The Hows of Us.

Sa huling kuwenta at sa pagtatapos pa lamang ng kanyang ikalawang linggong pagpapalabas sa mga sinehan ay umaabot na ito sa mahigit P400M, paano pa kapag humaba pa ang pagpa-palabas nito?

Inamin mismo ng direktor ng movie na si Cathy Garcia-Molina na kay Kathryn talaga ang movie, ang character niyang  si George ang POV ng kuwento, ang narrator ng kuwento na kailangan si Daniel Padilla para mabuo.

Ang kuwento ng pag-ibig nila ang buod ng pelilkula at pagpupunyagi na ginawa nila para mabuo itong muli. Maaring si Primo ni DJ, palayaw ni ­Daniel, ang silent partner sa love story pero, nagpamalas ito ng galing sa pag-arte sa tradisyon na pinagkakilanlan kay John Lloyd Cruz nung aktibo pa itong artista.

“Pareho silang hindi lang sumusunod sa direktor, kinikuwestyon din nila ang lahat ng bagay na may kinalaman sa kanilang mga roles, at sa pelikula,” anang direktor.

Malapit sa love story ng KathNiel ang mga salitang binitawan ng magka-loveteam sa pelikula. Kay Kathryn mismo nanggaling ang mga hugot na salita na lumabas sa mga bibig nila ni Daniel. Sa kanya ibinigay ni direk Cathy ang pagkakataon na mailagay sa script at magamit sa pelikula ang mga salitang namagitan sa kanila ni Daniel sa buong panahon ng kanilang relasyon.

Samantala, ikinasiya ng marami ang sinabi ng direktor ng THOU na hindi naman niya tuluyang iiwan ang kanyang trabaho, she is just taking a break for her children.

Julia hindi pinagbigyan ang fans

Sayang at talagang pinangangatawanan ni Julia Clarete ang hindi pagpapakita sa publiko ngayong naririto siya sa bansa at nagbabakasyon ng mabilis kasama ang kanyang asawang si Gareth McGeown. Interesado ang lahat na makita kung may malaki mang pagbabago sa kanyang pisikal na kaanyuan at kung ano ang naging buhay niya matapos siyang mawala sa Eat Bulaga. Yun lang yun!

vuukle comment

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with