^

PSN Showbiz

Aktor na maamo ang mukha at mahusay sa aktingan pailalim ang kaangasan

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Hindi kagandahan ang imahe ng isang kilalang male personality. Magaling siyang umarte, walang problema sa kanya ang direktor at ang produksiyon, hindi siya nagiging dahilan ng delay ng kahit anong proyekto.

Pero maraming pumapansin sa kanyang kakaibang ugali. May attitude problem ang pamosong aktor. May kaangasan siya pero naitatago lang niya ‘yun.

Ayon sa aming source, “Pailalim ang kaangasan niya, hindi siya nagyayabang sa harapan ng mga katrabaho niya. Nagsosolo flight siya kapag nagmamaangas. ‘Yung siya lang ang nandu’n, saka ang taong sinisita niya.

“Pero siyempre, ang taong ginaganu’n niya, e, nagsusumbong sa mga kasamahan niya. Nag­rereklamo pala si ____(pangalan ng male personality) sa work na ginagawa niya.

“Meron siyang gustong mangyari na hindi naman puwede, kapag hindi niya nakukuha ang gusto niya, umiiral na ang pagyayabang niya,” unang kuwento ng aming source.

Kunsabagay, kahit naman hindi siya magpakita ng ganu’ng ugali ay dati nang ninenega ang lala­king personalidad, tungkol naman ‘yun sa personal niyang buhay na hindi lang basta makulay kundi negang-nega.

Patuloy ng aming source, “Nag-start kasi siya sa maling hakbang. Nag-deny siya, wala siyang inaamin tungkol sa private life niya, kaso, pumalag ang ex niya.

“Lumabas ang maraming kuwento tungkol sa pagiging pabaya niyang father, ni hindi man lang niya binibigyan ng sustento ang anak niya, sobrang nega niya nu’n. Malaki naman ang kinikita niya dahil marami siyang trabaho, pero talagang pabaya siyang tatay sa anak niya.

“Saka may mga nagkukuwento na masyado nang feeling ang lalaking ‘yun. Pangarap din pala niyang maging artista na, e, producer pa at creative director ng mga ginagawa niyang projects.

“Naiinggit siguro siya sa isang male personality na maraming posisyon sa career niya. Bumibida na sa serye ‘yun, e, nagdidirek pa at siya ang nasusunod sa mga eksenang ginagawa sa serye.

“Bago mangyari ang mga pangarap niya, e, kailangan muna niyang balikan ang nakaraan niya. Linisin muna niya ang kartada niya para maging malapit ang suwerte sa kanya.

“Sayang, guwapo pa naman siya, maga­ling umarte at maamo pa ang face niya. Sana, umayos na siya,” huling sultada ng aming source.

Ubos!

KathNiel milagro ang ginawa sa takilya

Literal na piniruya ng tambalan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang pera ng bayan. Sila rin ang nagpauso ng midnight screening.

Sa loob lang nang limang araw na pagpapalabas ng The Hows Of Us ay naka-280 million na ang pelikula, kinabog nito ang kahit pangdalawang linggong kinita ng mga lokal movies, ibang klase ang milagrong ginawa sa takilya ng KathNiel.

Napakalaking bagay sa tagumpay ng kanilang proyekto ang matindihang suporta ng kanilang mga tagasubaybay, ang kanilang mga loyalista, na may kani-kanyang ginawang block screening.

Ang KDKN Solidarity Group ng KathNiel ay puro propes­yonal, pinaghahandaan talaga nila ang mga ganitong pagkakataon, sobrang laking dagdag sa kinikita sa mga sinehan ng mga ginagawa nilang block screening.

At ang isa pang dahilan ng matagumpay na The Hows Of Us ay ang mga papuring nagpapalipat-lipat ng bibig. ‘Yun ang pinakaepektibong promo kung tutuusin, ang imbitasyon ng mga nakapanood na ng pelikula, kumalat nang kumalat ang mahusay na pagganap nina DJ at Kath at ang magandang materyal ng Star Cinema.

Ang kanilang pelikula ang mayhawak ngayon ng may pinakamalaking kinita sa loob lang nang ilang araw. Hawak nila ang trono, aabangan pa kung kaninong pelikula ang makatatalo sa KathNiel, napakasuwerte ng loveteam na ito sa harap at likod ng mga camera.

Sabi nga ng anak-anakan naming si Ogie Narvaez Rodriguez, “Saka napakalaking factor din po ng kasipagan ng mga bata. Wala silang reklamo sa trabaho. Kung ano ang kailangan, ginagawa nila nang walang pagdadalawang-isip. ‘Yan po ang naging resulta ng pagmamahal nina DJ at Kath sa profession nila.”

Tama!

vuukle comment

KATHNIEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with