^

PSN Showbiz

Granny nag-victory party, sinehan nadadagdagan

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Granny nag-victory party, sinehan nadadagdagan
Sarah at James

Nagkaroon ng victory party kahapon ang pinipila­han ngayong pelikulang Miss Granny starring Sarah Geronimo with James Reid and Xian Lim.

Sa 210 sinehan nagbukas ang Sarah Geronimo-starrer noong Miyerkules at kung hindi magbabago ang trend, posibleng madagdagan pa raw ito dahil sa haba ng pila ng moviegoers. Almost P8 million na umano ang kita nito sa first day.

Sa Market Market, halimbawa, ilang pila ang fans na gustong manood ng Pinoy adaptation ng South Korean blockbuster hit.

Sa movie, ginagampanan ng Pop Royalty ang papel ni Odrey, batang Nova Villa (Fely), isang pensyonadang 70 years old na babalik sa pagiging 20.  “The best movie of Sarah Geronimo” daw ito, sey ng press at critics sa premiere showing sa Trinoma nu’ng Lunes. 
Multi-dimensional na nga naman kasi ang karakter ng singer-actress, hindi na lang puro pa-tweetums o pakilig na may ka-loveteam.  Out of the box ang papel ni Odrey kay Sarah dahil bukod sa paggaya sa kilos at pananamit ni Nova, pagiging ina at lola, wala talaga siyang pakialam sa hitsura niya habang sumasayaw, kumakanta at nagpapakwela kasama sina James at Xian.

Meron pa nga ritong eksena na nakikipag-ayaw siya kay Xian na ang hawak ay bangus, fresh na bangus ha.

At higit sa lahat, may Filipino values na naka-inject sa movie kahit na nga galing ang kuwento ng pelikula sa Korean hit movie na may kaparehong title, na madalas nang kalimutan ng maraming filmmakers ngayon kung saan naka-focus sila sa pagpapa-impress ng trabaho nila.

Anyway, kumpletos recados talaga ang Miss Granny dahil may mga eksena ring magpapaiyak sa mga manonood.  

Binigyan ito ng B grade ng CEB at PG ng MTRCB kaya pwedeng-pwede itong panoorin ng buong pamilya.

Ang Miss Granny ay dinirek ni Bb. Joyce Bernal.

vuukle comment

MISS GRANNY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with