^

PSN Showbiz

Nanay ng singer-actress biyahera nung Past life

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nagtatanungan ang mga kasamahan ng isang singer-actress kung hindi pa ba nasisiyahan ang kanyang pamilya sa napakagandang estado na ng buhay nila ngayon? Naiahon na ng female personality sa kahirapan ang kanyang mga mahal sa buhay pero hindi pa ba sapat ang kanyang ginawa?

?Nagtatanungan ang lahat kung bakit hanggang ngayon ay sige-sige pa rin sa pagnenegosyo ang kanyang ina, at kung anu-anong negosyo lang naman, na umaani tuloy ng pintas.

?Kuwento ng aming source, “Okey lang namang magnegosyo ang mommy niya, ibig sabihin lang nu’n, e, hindi sila basta-basta umaasa lang sa kinikita ni ____(pangalan ng sikat na singer-actress)!

?“Pero sana naman, e, bigyan niya ng kahihiyan ang anak niya! Imagine, ginagawang palengke ni mommy ang backstage, du’n siya nagtitinda ng kung anu-anong dala-dala niya sa studio, habang nagtatrabaho ang anak niya!

?“Nakakaloka si mommy! Ang ginagawa pala niya, kung saan nagso-show ang anak niya, e, namamakyaw naman siya ng mga produktong pambenta niya! Ganu’n pala siya, kaya ayun, nagbebenta siya ng kung anu-ano sa backstage habang abala sa pagpe-perform ang anak niya!” simulang kuwento ng aming impormante.

?Maraming beses na palang pinagbawalan ng kanyang mga anak si mommy na magpahinga na lang, huwag na siyang nagtitinda pa ng kung anu-ano, pero ayaw niya pa ring tumigil.

?“Sa past life siguro ni mommy, e, isa siyang biyahera. Tindera siguro si mommy sa nakaraang buhay niya, kaya hanggang ngayon, e, ganyan siya. Nanghihinayang daw kasi si mommy sa kikitain niya, sayang daw ang pagkakataon, dahil mabenta naman ang kanyang mga paninda!

?“Pero sa totoo lang, kaya naman mabenta ang mga products na ibinebenta ni mommy, e, dahil na lang sa pakikisama sa kanya ng mga mommy rin ng ibang performers. Nahihiya lang silang tumanggi, kaya bumibili na lang, kahit hindi naman nila gusto ang mga produkto!

?“Okey lang naman ‘yun, pero sabi nga ng mga miron, e, hindi pa ba naman masaya si mommy sa maganda nang buhay na meron sila ngayon? Lahat-lahat, e, nasa kanila na, pero nagtitinda pa rin siya?

?“Hindi pa ba sapat ang meron na sila ngayon para kay mommy? Isn’t that enough? Kulang na kulang pa ba ang sangkatutak na biyayang ibinibigay sa kanilang pamilya ng anak niya?” umiiling na pagtatapos ng aming source.

?Ubos!

Kaartehan ni Alice tanggap ng mga katrabaho

Mabentang-mabenta ngayon si Alice Dixson sa mga serye ng ABS-CBN. Buhay na buhay pa siya sa FPJ’s Ang Probinsyano ay napapanood na siya sa Ngayon At Kailanman.

?‘Yun kaya ang dahilan kung bakit may nakapagbulong sa amin na mamamatay rin ang karakter ni Alice sa seryeng pinagbibidahan ni Coco Martin? Hindi malinaw kung paano siya mamamatay, basta ang sabi ng aming source, “Mamamatay rin siya sa Ang Probinsyano.”

?Magaling naman kasing umarte si Alice. Nu’ng isang gabi ay mahusay ang pag-atake niya sa eksenang nagbibigay siya ng eulogy sa pinaslang niyang anak na si Marco (ginampanan ni JC Santos).

?Kadalasan kasi ay mas nako-conscious ang artista sa kanyang itsura sa mga breakdown scenes, pero mukhang napagbilinang mabuti ang aktres sa kanyang eksena habang inililibing ang kanyang anak, naghalu-halo ang kanyang luha, pawis at sipon habang naglilitanya.

?Hindi na pinansin ni Alice ang magiging itsura niya, ibinigay niya ang lahat-lahat, maraming pumuri sa acting ng magandang aktres sa eksenang ‘yun.

?Maraming kuwento-kuwento tungkol kay Alice. Maarte raw ang aktres, madiwara sa kanyang mga eksena, pero kung paniniwalaan natin ang mga ganu’ng kuwento ay bakit kinukuha pa rin siya ng ABS-CBN?

?Kapag nag-iinarte kasi ang personalidad ay minamarkahan na siya ng produksiyon, iniiwasan na siyang kunin sa mga proyekto ng network, na hindi naman nangyayari kay Alice Dixson.

?Maganda pa rin siya sa pagdadaan ng panahon, hindi maikakaila ang pagdadagdag ng kanyang edad, pero kumpara sa kanyang mga kakontemporaryo ay nakaaangat pa rin ang ganda ni Alice.

?Pagkontra naman ng kaibigan naming propesor, “Sino ba ang artistang walang kaartehan sa katawan? Patay na personality lang ang ganu’n. Lahat sila, e, may kani-kanyang kaartehan, sa totoo lang!”

vuukle comment

ALICE DIXSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with