^

PSN Showbiz

Mccoy at Elisse hindi na kaya magtinginan, launching movie ‘di na itutuloy!

PIK PAK BOOM - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Mccoy at Elisse hindi na kaya magtinginan,  launching movie �di na itutuloy!
McLisse

Mga biktima ng martial law nagagalit  sa pambabastos ng Cinemalaya Entry

PIK: Ini-launch na rin kamakalawa ng gabi sa Saguijo bar sa Makati ang album ng Bakwit Boys na kung saan doon nakapaloob ang mga kantang ginamit sa naturang pelikula.

Sina JayR at Mark Oblea ang ilan sa mga artist na kumanta ng soundtrack ng Bakwit Boys na mapapanood na sa August 15 sa Pista ng Pelikulang Pilipino.

Ang baguhang si Vance Larena lang ang masipag sa pagpu-promote ng naturang pelikula dahil contract artist siya ng T-Rex Entertainment.

Nakakalungkot lang dahil hindi ganun ka-cooperative ang ibang artistang bahagi ng pelikula.

Inaasahang kumpleto sana ang main cast sa launch ng album pero no show daw si Ryle Santiago dahil debut ng girlfriend niya na hindi niya puwedeng deadmahin.

Dumating naman si Nikko Natividad at Devon Seron, pero wala naman ang singer talaga nila sa pelikula, ang finalist sa Tawag ng Tanghalan Kids na si Mackie Empuerto.

Ilan lang naman sila na bida sa pelikula, pero hindi pa rin mabuo-buo ang buong cast.

PAK: Isang kilalang male showbiz personality ang nag-walk-out sa gala night ng Cinemalaya entry na ML na dinirek ng writer na si Benedict Mique Jr.

ML means Martial Law na tumatalakay sana sa mga totoong nangyari nung Martial Law, pero iba ang dating sa mga manonood dahil na-commercialize ang kuwento.

Ayaw ipabanggit ni male showbiz personality ang pangalan niya dahil kaibigan naman daw niya ang direktor, pero na-offend daw siya sa pelikulang iyun bilang isa siya sa Martial Law victims.

Base sa ipinakita sa pelikula, iba ang dating sa mga manonood kung saan nagtatawanan ang mga tao sa torture scene na kagaya nang ginagawa nung nagkaroon ng Batas Militar sa bansa.

Sabi nitong make showbiz-personality; “Hindi ko kinaya ang ginawa nilang pagku-commercialize ng sinapit naming na-torture noong panahon ng Martial Law.

“Ginawang horror and massacre film ang aming pinagdaanan na naging simplistic at salat sa pagsusuri ang pagtu-torture sa amin.”

Sa totoo lang hindi lang itong si male showbiz personality ang na-offend. Nakita namin ang isang babaeng umiiyak dahil naging biktima rin daw ng Martial Law ang magulang niya. Hindi rin nagustuhan ang ipinakita sa pelikulang iyun.

BOOM: Totoo kayang ang McLisse loveteam na sina McCoy de Leon at Elisse Joson ang tinutukoy sa blind item na hindi natuloy ang movie project dahil sa nagkakaproblema raw ang relasyon nila?

Kasado na raw sana ang proyektong ito, pero halos hindi nga raw nagawang magtinginan ang dalawa. Kung sila nga itong tinutukoy, hindi ko rin sila masisi dahil bago pa lang kasi sila sa propesyong ito kaya hindi pa sila marunong magdala.

May ibang kilalang artista na dumadaan sa ganun, pero naki-keri nilang magkunwari alang-alang sa career. Pero hindi pa nga sila sanay sa ganung set-up kaya mas mabuting huwag na lang muna sila magsama sa trabaho.

Feel na feel pa raw kasi nila ang pain, kaya hindi pa magawang magkita lalo na’t magkasama sa trabaho.

Dapat na ayusin na nga sila ng kanilang mother studio lalo na’t promising naman ang kanilang career, tapos maunsyami dahil lang sa lovelife?

vuukle comment

ELISSE JOSON

MCCOY DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with